CHAPTER 9- THE PANDA AND ME (AGAIN) =_=

314K 5.4K 722
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is the exact opposite of what I'm feeling for PANDAS.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 9- THE PANDA AND ME (AGAIN=_=

MIKA's POV

"Haay..." -ako.

"Haaaaay..." -Rocket.

"Haay..." -ako.

"Haaaaay..." -Rocket.

Para kaming tila zombie ni Rocket na naglalakad papasok ng Blue Note Building, ang laki ng eyebags namin, pugto ang mga mata at parang tinanggalan ng buhay. 

Buong gabi kasi akong hindi maka get over sa pagkawala ng first kiss ko pati narin sa fact na nakita pa ni Hell yung scene na hindi nya dapat makita T^T Huhuhu. Pero lingid sa kaalaman ko, hindi lang pala ako ang nagluluksa ang puso ng gabing na yun... pati rin pala si Rocket. Bakit? Gusto n'yong malaman?

"Ano'ng tinitingin-tingin nyo huh?" sigaw ni Rocket dun sa mga nadadaanan naming music department students. Panay kasi ang titig nila sa amin tapos magbubulungan. 

"Gusto n'yong sapakin ko kayo huh?" sigaw n'ya pa.

"Rocket tama na! Alalahanin mo may pending pa tayong kaso kay Ms. Matsui, wag mo ng dagdagan. Halika na nga!" Hinigit ko na si Rocket para makalayo sa mga mapangmatang estudyante sa paligid pero napatigil kami dun sa may bulletin board na nasa hallway papunta sa room namin.

Nanlaki ang mata ni Rocket nang makita n'ya ang pinagkakaguluhan ng mga studyante dun sa bulletin board.

"Sinong nagpaskil nito dito?!" sigaw ni Rocket sabay hablot dun sa papel na nakapaskil sa bulletin board. Sa sobrang galit n'ya pinunit n'ya pa yun.

"Rocket tara na!" Hihigitin ko sana s'ya pero inalis n'ya ang kamay ko.

"Sino sabing nagpaskil nito dito? Sino!" 

"Hoy Rocket masyado kang maingay, tara na." Si Ash naman sana ang hihigit kay Rocket pero tinabig n'ya ng malakas ang kamay nito.

"Wag mo kong hawakan! Kasalanan mo lahat ng to! Galit ako sa'yo!" sigaw ni Rocket habang tinitingnan ng masama si Ash.

"Bahala ka nga." Umalis na si Ash pagkasabi n'ya. Ang bilis naman nyang sumuko T^T Ako na lang ang natira dito! Si Shield walang pakialam, umuna na siyang pumasok sa room namin! Waah! Hindi ko kaya si Rocket! 

"Rocket ano, tara n--"

Pinulot ni Rocket yung pinunit n'yang papel, may nabasa s'ya tapos, "News club pala huh? Humanda kayo sakin!" sigaw ni Rocket at nakaalis na s'ya bago ko pa s'ya mapigilan.

Uwaah T^T sana naman wag s'ya masangkot sa isa na namang gulo! Baka matuluyan na talaga kaming mapaalis na mga no stars nito!

Bakit nga ba galit na galit si Rocket? Ano yung pinagkakaguluhang papel sa bulletin board? Bakit galit si Rocket kay Ash? Ganito kasi yung kwento sakin ni Rocket kagabi.

FLASHBACK:

Dahil nga nabalitaan ni Rocket na nasa isang restaurant sa food court ng Building of the Stars ang Star-X, specifically si Air, agad s'yang sumugod para hanapin at makita si Air. Nagkahiwalay kami dahil nga nadapa ako. Lingid sa kaalaman ko, ito pala ang nangyari kay Rocket noon.

Nahanap ni Rocket si Air kasama yung isa pa nitong kamember sa isang mamahaling Italian restaurant kaso pag dating n'ya dun, sobrang dami ng tao. Nakipagsiksikan s'yang mabuti. Nakipagtulakan and such para makalapit kay Air. Ang dami na n'yang galos, kalmot at pasa pero balewala sa kanya yun. Sadyang yung atensyon n'ya at buong sistema n'ya naka focus lang sa goal n'yang makalapit at makausap ng personal si Air.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon