CHAPTER 62- ROAD TO FINALS: Interlude | The Four and A Half Star (Part 1)

110K 3.5K 2.2K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is the spell that turns 'fear' into 'excitement'.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 62- ROAD TO FINALS: Interlude | The Four and A Half Star

(K)night's POV


Naranasan mo na bang magising? 


Magising, tapos pagkamulat na pagkamulat ng mga mata mo, pakiramdam mo bigla, hindi ka isang tao?


Hindi ka isang tao...


Kung hindi isang tae?


Ako naranasan ko na.


Naranasan ko 'yan pagkagising na pagkagising ko ngayong umaga!


Pagkagising na pagkagising ko pakiramdam ko bigla hindi ako isang tao.


Hindi ako isang tao.


Kung hindi isang tae.


Isang malaking tae.


Isang bagong gising na malaking tae!


Tae.


Tae.


Tae!


I feel like--


"Shit!"


Isang malutong na mura ang agad na lumabas sa bibig ko pagkagising na pagkagising. Sobrang sakit kasi ng ulo ko. Parang may dalawampung hinayupak na martilyo na sabay-sabay akong pinukpok sa ulo pagmulat ko king ina! Halos gabi-gabi akong lango sa alak (no'ng di ko pa nakikilala si Sausage) kaya hindi na bago sa akin ang hangovers, pero ibang klase 'tong ngayong umaga. This is the worst hangover I had by far.

"Ugh. Ito ang napapala ng mga nakikipag-inom sa kaaway," sambit ko sa sarili. 

Hindi parin matanggap ng Night Cervantes sa loob ko na nakipag-inom ako sa mortal n'yang kaaway.

Pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga kahit sobrang sama ng pakiramdam. Kailangan na kailangan ko kasi ng tubig. Tuyong-tuyo ang pakiramdam ng lalamunan ko.

Pagbangon ko... saglit akong napatigil. 

Black and white sheets.

Black and white walls.

Black and white furniture and decor...

Nasa loob ako ng sarili kong unit?!

Sa loob ng sarili kong kwarto?!

Ang tanda ko, doon ako nawalan ng malay sa condo nila Chua a? 

"Paano ako napunta dito?"  

Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi...

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon