CHAPTER 19- Performance Battle!

275K 5.5K 1.5K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is-- ugh! I don't have time for love right now! I have a performance battle to win!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 19- Performance Battle!

MIKA's POV

"Please sumagot kayo mga kuya... please..." Hindi ako mapakali habang nasa faculty. Panay ang tingin ko sa relos ko habang hinihintay na sumagot sa tawag ko ang mga kuya ko.

Ginamit ko na ngayon yung free call ticket ko since birthday na ngayon nila kuya and kasi waah! Performance battle na namin with C.R.Y. ! Thirty minutes na lang bago yung laban at kabadong-kabado ako! Buti na nga lang talaga at nagloloko lang pala si Ace na hindi s'ya sasali sa performance, kasi kung nagkataong hindi siguro maloloka na ako.

"Miss, ano na?" tanong sa akin nung babae sa faculty na assigned para sa pagmanage ng free calls ng mga studyante. Halos thirty minutes narin kasi akong nasa telepono pero hindi parin sumasagot sila kuya.

"Itatry ko pa po saglit, please po, importante lang po talaga to," I pleaded. Mukhang mabait naman yung babae, tumango lang s'ya sa akin.

Nakailang try pa ako, pero hindi talaga sumasagot sila kuya, maging si mommy tinawagan ko narin pero maging s'ya hindi ko macontact! Naiiyak na ako. Ngayon ko kasi sila pinaka-kailangan.

In the end, wala, hindi ko rin nagamit yung free call ticket ko kasi magtatime na para sa performance hindi parin sumasagot sila kuya. I was forced to leave kasi text na rin ng text sa akin sila Rocket, pinapapunta na ako dun sa venue nung performance.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Mika okay lang yan, matatawagan mo rin sila mamaya," ani Rocket sa akin habang nasa back stage kami at naghihintay na magsimula yung performance.

I just smiled and thanked her, though kahit anong sabihin n'ya hindi mawala yung frustration ko.

First time kong magpeperform ngayon sa harap ng sobrang daming tao! Di ko akalain na ang venue pala ng performance namin eh sa mismong gitna ng food court ng Building of the Stars! Meaning lahat ng students ng bawat department na nandoon malapit sa food hubs, mapapanood kami! Akala ko, mga taga music department lang ang manonood sa amin! Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko, parang lalabas na sa dibdib. Ang sakit rin ng tyan ko, para akong maiihi pero hindi naman ako mapaihi. Pinagpapawisan ako ng malamig at yung kamay ko, todo na naman ang kanilang panginginig.

Haay! Kung nakausap ko man lang sana sila kuya o si mommy siguro kahit papaano mababawasan yung kaba ko... bakit kasi hindi sila bigla macontact? Nakakaiyak naman.

I was slumping on the corner nang pumasok sa back stage ang grupo ng C.R.Y. Ang gaganda nila, complete with fierce nude make up and sexy costumes. Naka short shorts sila, super exposed ang makikinis, mapuputi at mahahaba nilang legs, na mas lalong pinaganda ng mga gorgeous killer heels na suot nila. Nakasuot sila ng black sleeveless tops, na iba't-iba ang style, pero lahat super sexy tingnan, lalo na si Crizel Idol, mukha s'yang manika. The three of them combined, mukha na talaga silang isang idol group.

"Mika, bibig mo," sabi ni Rocket. Doon ko lang narealize na nakanganga na pala ako habang tinitingnan sila.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Riri at ni Ysabel nang lampasan nila ang grupo namin. SI Crizel Idol naman parang hindi kami nakita noong dumaan s'ya, tagusan lang ang tingin n'ya sa amin.

After ng mala runway entrance ng C.R.Y. , napatingin na lang ako bigla sa itsura ng grupo namin. Kaming mga babae, ni hindi kami naka make up, just because wala sa aming marunong maglagay noon. Yung mga lalaki parang kakagising lang, except kay Ivan na lageng ayos na ayos ang buhok kasi vain nga s'ya. Lahat kami nakasuot ng black cloak, tapos plain tshirt plus pants lang underneath. Naka black cloak kaming lahat kasi tinake into account namin yung comments ni Panda. Nong last practice namin, narealize naming hindi nga maganda kung lahat kami uniform ang suot tapos si Shield lang ang naiiba. And since hindi kaya ni Shield na magtanggal ng cloak to match us, kami yung nag adjust para sa kanya (It was Ivan's idea btw). Actually, I hate to admit this but, matapos naming videohan at panoorin yung sarili naming performance noong last practice, all of us agreed na most of the comments ng Panda na yun, tama naman pala talaga. Ngayon medyo naguilty ako sa pagsigaw at pagpapalayas sa kanya, gusto ko tuloy magsorry sa kanya... at mag thank you kasi mas naging okay ang performance namin dahil sa mga factors na pininpoint n'ya.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon