CHAPTER 41- Take a break.

235K 5.7K 1.7K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is the most exquisite way to get ruined.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 41- Take a break.

MIKA's POV

Papunta ako ngayon sa Blue Note Building. Wala pa kaming klase ngayon kasi Prelims Exam ng mga second year students. Papunta lang ako ng Blue Note dahil gagamitin ko na yung free call ticket ko for this month. Balak kong tawagan sila mommy para ibalita sa kanila yung naging resulta ng prelims exam ko.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa faculty, nagvibrate bigla ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng text mula kay Hell. Napatigil agad ako sa paglalakad at napahawak sa may pader.

So this is how it feels like to receive a text from the person you know you're in love with? Nakakapanghina pala.

Mukhang nahulog na nga talaga ako kay Hell. Mas malakas na kasi ang epekto ng text n'ya ngayon kaysa dati.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

FROM: Hell (The Moon)

Downtown. 2 pm, sa tapat ng Bistro.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yan lang yung text n'ya, sobrang tipid, pero ang lakas parin ng epekto sa akin. Nanginginig nga ang kamay ko matapos kong basahin yung message. Paano ba naman kasi, mukhang tuloy na tuloy na nga ang pagkikita naming dalawa mamaya, may place and time na s'yang tinext eh.

Humingi kasi sa akin ng favor si Vincent, kung pwede ko daw bang ipagluto ng pagkain yung grupo nila. May dance practice kasi sila mamaya para sa prelims exam nila sa Biyernes. S'yempre pumayag naman agad ako. Kaso dahil si Vincent nga s'ya, laging may twist. Si Hell daw ang naka assign para sa pagkain ng grupo nila ngayong araw, so, I need to coordinate with him. Bale, si Hell yung kasama ko sa pagbili ng ingredients at pagluluto nung pagkain mamaya. At naalala lang yang sabihin sa akin ni Vincent, matapos kong sumagot ng oo sa kanya. Napakagaling talaga n'ya sa pagseset-up.

Magtutuloy na sana ulit ako sa paglalakad papunta sa faculty, nang may dumaang dalawang babae sa tapat ko, tapos narinig ko yung pinag-uusapan nila.

"Wala parin bang update kung kamusta na si Night Cervantes?" 

"Wala pa nga eh, hindi pa daw kasi pinapapasok yung media sa hospital. Nakakainis. Naiiyak na ako. Sana okay lang si Night."

Night? Hospital? 

Agad kong hinabol yung dalawa para tanungin.

"A-anong nangyari kay NIght? Bakit may hospital akong narinig sa usapan n'yo?" kabado kong tanong.

"Hindi mo ba napanood yung balita sa tv kaninang umaga? Nabangga yung sasakyan ni Night Cervantes kagabi. Nasa hospital s'ya ngayon." Kung nakakapanghina ang makatanggap ng text mula sa taong mahal mo, ilang beses na mas nakakapanghina 'tong sinabi sa akin nung babae. 

"Ka-kamusta na daw s'ya? O-okay lang ba daw s'ya?" tanong ko.

Umiling yung babae, parang maiiyak na s'ya, "Hindi nga rin namin alam eh. Hanggang ngayon wala paring balita. Ang huling sinabi, sinugod s'ya sa emergency room, walang malay at duguan, yun lang."

Umalis na yung dalawang babae matapos sabihin sa akin yun. Naiwan akong nakatulala sa kawalan, parang tinanggalan ng buhay. May isang nagmamadaling estudyante ang nakabangga sa akin kaya nalaglag yung bag ko mula sa balikat ko, pero nakatulala parin ako sa kawalan. Duguan? Walang malay? Emergency room? Si Night Cervantes?

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon