CHAPTER 63- Finals! | (Side A)

126K 4.7K 2.5K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is-- is something that didn't cross my mind in this chapter! Who in their right mind would think about love in this situation? It's our Finals! Gaaaahd! I can't even--

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 63- Finals! | (Side A)

MIKA's POV

Matapos ipalabas sa wide screen sa may entrance ng Blue Note ang video ni Ace (na sumira sa lahat ng 'DAPAT' ay 'OKAY' na)... Habang pinapalabas ang promotional video ng ibang group do'n sa screen...

"Hoy jerk! Ano 'yun?!" sigaw ni Rocket kay Ace.

"Ah, baka promotional video, bitch? Kakagamit mo ng bibig mo, your eyesight's becoming more and more useless. Magpacheck-up ka na kaya sa ophthalmologist?"

"Ikaw ang magpacheck-up! Kung sa tingin mo napromote no'ng video mong 'yun ang grupo natin in any way... then there's seriously wrong with your eyes! Mukha bang napromote ng mga sinabi mo ang concert natin? Tingnan mo nga ang reaksyon ng lahat ng mga taong nakatingin sa atin ngayon!"

Saglit na tumingin si Ace sa mga nakapaligid sa aming studyante...

"Ano?" tanong ni Rocket dahil 'di umiimik si Ace. (Humihikab lang ito ngayon habang nakapamulsa't bored na nakatingin sa mga studyanteng nagbubulungan habang nakatingin sa'min.)

"They all look like..."

"What?"

"They all look like they desperately want you to shut the fvck up," sagot ni Ace, smirking, then yawning afterwards.

"You jerk!"

And so... a world war started between the two of them again. Usually, pag gantong nagtatalo sila, wala akong kinakampihan, pero ngayon... I can't help but cheer for Rocket. Kung pala-mura din siguro ako't kasing aggressive ni Rocket, nakisama na siguro ako sa kanya sa pagmumura't pamamalo kay Ace ngayon, pero... unfortunately I'm not. Pag sobrang upset ako sa isang tao o sa isang situation, imbis na magmura o makipagtalo, all I can do is stare. Blankly. Stare blankly whilst drowning myself in utter-- utter disappointment.

"Master, Master, alam ko may dahilan ka! Hindi ka naman maghahamon ng g'yera kung wala kang matinong dahilan, hindi ba?" singit ni Ivan na nagpatigil saglit sa world war ni Ace at Rocket.

"Ha?" tugon ni Ace. "S'yempre meron." 

"Sabi ko na nga ba e! Kung gano'n Master, ipaliwanag mo para hindi ka--"

"I declared a war because-- I felt like declaring one."

"H-ha? A-ano ulit sinabi mo, Master?"

"Sabi ko... I declared a war, because I. felt. like. declaring. one. Dinig mo na?"

Pagkatapos mag-echo sa tenga ko ng huling sinabi ni Ace, parang may kung anong bigla nalang nag-snap sa loob ko. Pagkatapos mag-snap ng kung ano'ng 'yon, I found myself not drowning in disappointment anymore. Instead I'm now drowning in-- 

"Ano, Mika, may papel at ballpen ka ba d'yan?" I swear, pasugod na ako kay Ace para sabunutan ito at murahin, pero biglang lumapit sa akin si Ivan. 'Yung mata n'yang laging parang kumikinang-kinang, ngayon mukhang mga mata ng isang patay na isda.

"B- bakit mo kailangan ng papel at ballpen?" naguguluhang tanong ko. 

"Magsusulat lang ako ng apology letter."

"Apology letter?"

"Oo. Sisimulan ko nang humingi ng tawad sa mga kapatid ko. Mukha kasing hindi ko na matutupad 'yung pangako ko sa kanilang gagraduate ako dito na isang sikat na guitarist. Hahaha. E mukhang madadrop-out na kasi ako ngayong sem palang e! Hahaha." 'Yung tawa ni Ivan, tawang naiiyak.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon