BACK STORY- J

214K 5.1K 2K
                                    

Yam-Yam's Note:

Back story muna, sorry :P (lol)

Chapter 58 (the main chapter will follow soon after, so wag ako masyadong isumpa (HAHA). Sisiguraduhin kong worth it ang dalawang buwan n'yong paghihintay (kung may naghihintay pa nga ba lol).

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love makes you brave and afraid...

Love makes you feel better and upset... Upset over-- a damn yakisoba bread?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Behind every person is a story...

Behind every action is a story...

Behind every story is another story not yet told...

Ever wonder kung:

Ano talagang nangyari kay Shield, Ivan, at Ace, noong Midterms Exam nila Mika?

Bakit biglang nagwalk-out si Shield mula sa kanilang performance?

Anong nangyari matapos sundan ni Ivan si Shield?

Anong ginawa ni Ace matapos n'yang magwalk-out mula sa performance nila ni Mika?

Bakit nakiusap si Ivan kay Rocket at Ash na sila ni Shield ang kumanta in place of them?

Ano talagang nangyari between Shield and Flare?

Well, here's the story behind every single thing.

BACK STORY: Midterm Events

SHIELD's POV

"Where do you see yourself in the future?"

He laughed. "Saan nanggaling 'yang pang Miss Universe mong tanong all of a sudden?"

Hinampas ko s'ya nang mahina. "Tinatry kong pakalmahin ang sarili ko, kaya sumagot ka."

He stopped laughing. "Where do I see myself in the future, hmm..." he mumbled. Tiningnan n'ya ako bigla sa mata. My heart automatically skipped. "Sa tabi mo," sabi n'ya. "I can only see myself beside you."

Six years...

This conversation happened six years ago...

"I can only see myself beside you."

Isa lang 'to sa madaming kasinungalingang sinabi n'ya sa akin, six years ago.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Present day.

"Pair number four, get ready!" sigaw ng isa sa mga organizers. "After five minutes, kayo na ang susunod!"

Oh God. Oh God. Oh God!!!

Lalong akong kinabahan habang nakaupo sa backstage. Sobrang mas nakakapressure 'tong Midterm Exam na 'to kumpara noong Prelims! Noong Prelims kasi, nasa background lang ako. Hindi sa akin nakatutok ang atensyon ng lahat kasi taga tugtog lang ako ng piano. Pero ngayon... ngayon--

"Sh- Shield relax lang ha?" sabi ni Ivan. "Kaya natin 'to. Ang gwapong si Ivan ang b- bahala sa'yo."

Napatingin ako sa kamay n'ya. Nanginginig din ang mga kamay n'ya tulad ng sa akin.

Napansin n'yang nakatingin ako sa kamay n'ya, agad n'yang tinago 'yon sa likuran n'ya. Pilit s'yang ngumiti sa akin. Pati ngiti n'ya nanginginig.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon