CHAPTER 17- It's a date!

309K 5.7K 1.8K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is like having an instant fever.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 17- It's a date!

MIKA's POV

"Good Morning Vincent! Good morning Hell!" bati ko sa kakapasok lang sa room na si Vincent at si Hell. Vincent replied but as usual, Hell just passed by me without looking.

"Ruth, ang saya mo ata ngayon? Wala na ba yung home sickness mo?" tanong sakin ni Vincent. Halata ba masyadong masaya ako ngayon?

"Nakausap ko na kasi sila mommy at mga kuya kahapon kaya masaya ako," sagot ko.

"Ginamit mo na yung free call ticket mo?" tanong parin ni VIncent.

"Hindi, si N-- pinatawag ako ng friend ko gamit ang cellphone n'ya," kilala much si Night dito sa room, malaking issue kung malalaman ng iba na pinagamit n'ya ako ng cellphone n'ya.

"Oooh... ang sweet naman nung friend mong yun. Say Ruth, the time you made the call, was it around 9 pm?"

"Yeah, I think so, paano mo nalaman?"

"Just a guess," Vincent smiled as he said that. What's there to smile about?

Sa totoo lang medyo awkward ang pagkikwentuhan namin ni Vincent kasi nasa gitna namin si Hell. He's busy reading a book while we're talking, iniisip ko tuloy if our talking annoys him.

"Say Ruth... do you made the call, malapit sa condominium namin?" Vincent asked and parang bigla akong nagka mini heart-attack. Na-nakita kaya n'ya kami ni Night? I wanna ask him pero, I didn't. Not right here, maraming fan girls ni Night dito sa room.

"A-ah... sort of he-he. Me-medyo malapit sa condo n'yo yung bahay ng friend ko, we just happened to hang out sa bahay n'ya nung gabing yun so... hehe. P-pano mo nalaman yun?" I tried hiding my nervousness at the thought of him seeing me and Night together. Kung sakaling nakita n'ya nga kami, baka isipin n'yang ako yung nasa issue dati, yung mystery girl na dinedate ni Night Cervantes... well ako nga talaga yung mystery girl sa picture pero di naman ako dindedate ni Night eh. Ayokong maissue si Night dahil sa akin.

"Just a guess again. Just a guess," Vincent said, trying to suppress himself from laughing pero may konting tawa na lumabas mula sa kanya.

"I get it now, haha!" Vincent mumbled to himself, loud enough para marinig ko. Magtatanong sana ako kung anong ibig n'yang sabihin pero nagulat na lang ako dahil sa lakas ng pagbagsak ni Hell nung librong binabasa n'ya sa desk n'ya. Aw, I thought so, naiingayan s'ya sa amin.

"Vincent..." ibinaling ni Hell ang tingin n'ya kay Vincent. 

"What dude?" tanong ni Vincent na may di mawala-walang sheepish smile sa mukha.

"Parang may dadapo ulit sayong lamok maya-maya lang," sabi ni Hell.

"Sabi ko nga, I'll just shut up," sabi ni Vincent, kinuha na lang n'ya yung libro n'ya for Home Economics and started looking on it. 

Babalik na rin sana si Hell sa pagtingin sa book n'ya pero nagsalita na naman si Vincent, "Jealous people sure are scary, brr," sabi nito kaya napatinging muli sa kanya si Hell.

Hell cracked his fingers tapos, "Tan, do you wanna know what's scarier than jealous people?" He called Vincent by his surname, unang beses to!

Vincent gulped, he looked afraid.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon