CHAPTER 71- School Fest! [Day 1: Part 4]

40.6K 1.3K 281
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is like falling into a trap, over and over, WILLINGLY.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 71- School Fest! [Day 1: Part 4]

MIKA's POV

Habang absorbed sa thoughts ko about Crizel, kasabay ng hiyawan ng mga manonood kasabay ng pag-bow niya sa stage, bigla na lang may kumulbit sa akin mula sa likuran.


Pagharap ko, nakita ko si--


"Ako 'to," sabi niya. 


Hinubad niya ang suot niyang 'red demon' mask.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hi, Ruth!" nakangiti niyang bati sa akin. Ni Vincent. 


Hindi ko agad siya nakilala dahil blonde ang kulay ng buhok niya ngayon, tapos, messy pa ang pagkaka-ayos. Ibang-iba sa usual niyang palaging naka-gel at nakataas na buhok. He looks more mature right now. Para siyang tumanda nang ilang taon? But in a really good way ha! He looks... more manly? Parang gano'n.


"H- hi rin, Vincent!" bati ko rin after a few seconds. "Kanina ka pa nandito?"


"Sa likuran mo, kani-kanina lang. Pero dito sa venue, kanina pa. Pinanood ko 2C2B."


"I see. Galing nila 'no?"


Tumango lang siya. Pagkatapos, binigyan niya ako ng isang 'meaningful' na tingin. "Hindi mo ba itatanong sa akin kung nasaan si Hell?"


"Medyo may idea na ako na baka hindi siya pumunta ngayon," tapat kong sabi. "This whole atmosphere, 'tong mga suot natin, yukata, kimono, set-up nitong paligid, fireworks show... everything about this night is a landmine to him, hindi ba?"


Napaawang nang bahagya ang bibig ni Vincent. Parang napaisip siya kung alin ba ang tamang gawin. Tatango ba siya o hindi. 


In the end, he nodded. A bit hesitantly though. Na para bang, sobrang ingat niyang 'wag ako masaktan o palungkutin.


"'Wag kang mag-aalala, okay lang ako," sabi ko sa kaniya. 


WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon