CHAPTER 28- C I N D E R E L L A

257K 5.5K 1.7K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love sometimes, has a time limit.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 28- C I N D E R E L L A

MIKA's POV

"Ah... ano, bakit?" tanong ko kay Flare na nakaupo sa upuan katapat ko.

"Hmmm?"

"Bakit kanina mo pa akong tinitingnan?" 

"Hmmm... gusto ko lang tandaan yung mukha ng kauna-unahang babaeng ginawang date ni Night sa isang event." Kauna-unahan? Ako? Talaga?

"Ah ganun b--"

"And also because I think you're beautiful." Nginitian n'ya pa ako at kinindatan after saying that.

"T-thank you." Agad akong napatungo dahil sa hiya.

Nanginginig kong kinuha yung tubig na nasa baso sa harapan ko at ininom iyon. Gaahd, nakakawala ng hininga umupo dito sa table na kinalalagyan ko. May kasama akong tatlong super hot na nilalang, at ang isa pa sa kanila, nginitian, kinindatan at tinawag pa akong maganda. Makakalabas ba ako dito ng buhay?

"Hey Flare, tigilan mo na ang pagtitig sa kanya. Tinatakot mo s'ya." Binato ni Night ng binilot na tissue si Flare.

"Selos agad?"

"What?"

Ngumiti lang si Flare kay Night tapos tinapik n'ya yung katabi n'yang si Air na busy lang sa pagbabasa ng libro kahit nasa ball kami, "Hey Air, anong masasabi mo? Don't you find it interesting na may dinalang date ngayon si Night?"

Binaba ni Air sa table yung binabasa n'yang libro, "He's at the right age, let him be," sabi lang nito tapos bumalik na ulit sa pagbabasa.

"Yun lang ang masasabi mo? Ugh, bakit ba ang boring ng mga kagrupo ko. Ni hindi marunong makiride sa trip. D'yan na nga muna kayo, since may chicks si Night, manchichicks din ako." Tumayo na si Flare at naglakad papunta sa ibang tables.

"Yung mga katulad n'ya ang tipo ng mga lalaking dapat mong iwasan," sabi sa akin ni Night habang nakatingin kung nasaan si Flare. Ngumiti na lang ako kasi tama s'ya. That guy's a total player, I'm sure of it.

"Bakit ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong ko kay Night nang mapansin kong parang problemado bigla yung itsura n'ya.

Sinenyasan n'ya akong lumapit sa kanya gamit ang kamay n'ya. Nagdalawang isip akong maglean palapit kasi maraming tao sa paligid na nakatingin sa table namin, pero si Night na mismo yung naglean palapit sa akin.

"Iniisip ko lang kung paano kita mabibigyan ng fairytale," bulong ni Night.

"Huh?"

Tumungo si Night at nakita ko na naman yung childish na nahihiyang expression n'ya, "I told you that tonight you're my princess, but honestly, I don't even have the slightest idea on how to be a prince."

"You're a living prince yourself, kaya nung ginawa mo kong date mo, doon palang, ginawa mo na akong prinsesa, wala ka ng dapat gawin pa."

Agad s'yang napatingin sa akin tapos, "Ngayon ramdam ko na talagang hindi na kita anti-fan," sabi n'ya.

"Ngayon mo lang talaga naramdaman?"

"Oo," sagot n'ya na agad nagpatawa sa akin. How can someone look so cool and cute at the same time?

Nakaupo lang ako sa tabi ni Night, as in nakaupo lang talaga, not doing anything, pero pawis na pawis na yung mga kamay ko. Pakiramdam ko hinang-hina ako, na pag tumayo ako matutumba ako. Sobrang pressured kasi ang pakiramdam ko, paano ba naman halos patayin ako sa titig ng mga babaeng nakaupo malapit sa table kung nasaan kami. Eh kasi naman, pang anim na tao yung bawat table, pero yung table kung nasaan ako, Star-X at ako lang ang nakaupo. Bale ako lang yung nag-iisang babaeng kasama ng Star-X sa table! At yung table pa namin ang may pinakamagandang pwesto, nasa gitnang part, katapat ng stage. Tapos, yun nga, kalat na ako ang date ni Night Cervantes ngayong gabi. Kung ibang babae siguro ang nasa pwesto ko, ako rin mismo maiinggit sa babaeng yun.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon