CHAPTER 43- Toxic.

285K 5.9K 1.3K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is more bitter than alcohol, more addictive than drugs, and more poisonous than poison.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 43- Toxic.

HELL's POV

"Ugh damn it!" sigaw ko kasabay ng pagpukpok ko ng malakas sa piano. Hinagis ko ang musical score na nasa harapan ko.

I hate this. The remedial exams is due tomorrow, but still, I can't sing one whole fvcking song! Ilang araw ko ng tinatry kantahin yung pyesang napili ko pero lagi akong napapatigil. No matter how much I try to supress them, stupid flashbacks would just come surging up, non-stop, until all I can see is darkness. Sa bawat pagtipa ko sa piano, nakikita ko ang mukha n'ya. Nakatingin s'ya sa akin, nakapatong ang isang kamay sa piano. Nakapangalumbaba, pinapanood ako. Suot suot n'ya ang puting bistidang paborito n'ya. Sumasayad ang mahaba n'yang buhok sa keyboard ng piano. Hindi s'ya umaalis dun, parang kakambal na ng piano ang imahe n'ya, sa utak ko. Sa tuwing tutugtog ako ng piano, hindi pwedeng hindi ko s'ya makikita. At sa tuwing makikita ko s'ya, hindi pwedeng hindi ko maaalala lahat ng nangyari noong sinumpang gabing yun.

Noong tinry kong magplay ng ibang instrument, the stupid flashbacks still surge up once in a while but they are far more controllable than when I'm playing the piano. Pero piano ang forte ko, kung gusto kong makabalik sa idol department at makuha muli ang suporta ng mga investors, I might as well do the thing I'm best at. 

Pinulot ko ang musical score na hinagis ko kanina lang at binalik yun sa dati noong kinalalagyan. I decided to take a break first, to cool my head. I can't play if I'm like this.

Pagpasok ko sa canteen ng Academic Building, wala sana akong planong makinig sa usap-usapan ng mga tao sa loob, pero narinig ko ang pangalan nung cocky bastard mula sa nadaanan kong dalawang babae, na parehong nakatutok ang mata sa isang cellphone.

Hinablot ko na lang basta yung cellphone na hawak noong isa. Magcocomplain pa sana s'ya pero nakuha ko s'ya sa tingin.

Nakabukas ang tv application nung cellphone. Kasalukuyang binabalita doon sa tv na break na daw yung cocky bastard at yung girlfriend n'yang si Juliana. Gusto kong matawa nang marinig ko yun.

"Paano sila magbibreak, eh hindi naman totoong sila?" Nasabi ko na lang sa isip ko. 

So ito ang dahilan kung bakit ang ingay at ang gulo ng mga babae ngayon dito? Mga tanga. Mga walang alam.

Hinagis ko na yung cellphone pabalik doon sa dalawang babae. Bumili ako ng mineral water tapos lumabas na ako ng canteen para bumalik sa piano room. Habang naglalakad ako pabalik doon, narinig ko ang pangalan ni Heaven mula sa nagtatakbuhang mga lalaki na dumaan sa tabi ko.

"Tsong bilisan n'yo, baka hindi natin maabutan ang dapat abutan. Heaven Rodriguez yun pre! Naka underwear lang na Heaven Rodriguez!" Un... underwear? WTF?

Marami pang nagtatakbuhang mga studyante ang dumaan sa tabi ko. Humigit ako ng isa.

"What the fvck is happening?" I asked the guy.

"May mga JuliKel fans daw na kumuha ng damit ni Heaven habang nagshoshower s'ya, pero lumabas parin s'ya ng shower room kahit bra at panty lang ang suot. Nasa second floor s'ya ngayon, naglalakad daw pababa dito."

I clenched my fist. Mukhang simula na naman ang pangbubully sa kanya dahil sa pesteng Mykel Rucafor na yun, bwisit.

But what the fvck is she thinking, walking around like that?

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon