CHAPTER 20- Huh?!

240K 5K 966
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is just like what happened today... it's confusing.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 20- Huh?!

MIKA's POV

"Cheers!" sigaw namin ni Rocket habang itinataas ang hawak naming baso na may lamang red wine.

Nakitoast naman yung ibang kasama namin sa apartment, pwera lang kay Ace, na alam n'yo na, lage na lang against the flow at may pagka-kj. Nakaupo lang s'ya habang nakadekwatro at nauna ng inumin yung wine n'ya. But at least sumama s'ya sa amin ngayon sa dining table, that's something to be happy about na, considering Ace's personality.

Actually, pagkatapos nung performance battle namin, agad akong pumunta sa faculty kasama ang mga co-members ko at agad na tinawagan ang mga kuya ko, pasalamat nga ako at nakausap ko na rin sila sa wakas, nagloko pala yung network nila kaya di sila matawagan nung una. Excited kong kinwento sa kanila lahat ng nangyari ngayong araw at proud na proud sila sa akin, ganoon rin si mommy.

Matapos kong makausap ang pamilya ko, agad kaming pumunta sa downtown market para bumili ng snacks at wine, gamit ang perang pinaghati-hatian namin gamit ang maliit naming mga allowance. May maliit na celebration kami ngayong gabi!

Bakit kami magcecelbrate eh gayong natalo kami?

Well, gaya nga ng sinulat ko sa journal ko kanina lang, natalo kami ng C.R.Y. It's a fact (a sad fact) pero matapos kasi iannounce nung mc yung result... this is what actually happened...

FLASHBACK: A couple of hours earlier...

"The winner of our showdown today is..." 

*drum rolls...

"C.R.Y.!"

Sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao nung iannounce yung result. Sobrang laki ng ngiti nila Riri nang marinig ang verdict ng judges. 

Syempre yung grupo namin hindi maiwasang malungkot after marinig yung result, pero pinilit naming itaas ang mga ulo namin, at tanggapin ng taas noo ang hatol sa amin ng mga hurado. We did our best, and we enjoyed the performance, at some point I guess that's enough. Medyo nakakalungkot man na last performance na namin yun, we're happy. We're hapoy kasi bago kami mapaalis, we felt welcomed by the school and its students. Bago kami mapaalis, there's this awesome memory and lesson na madadala namin as we leave Hoshi Academy. Yung performance namin earlier, it's something special I would carry and treasure for the rest of my life. Because of it, imbis na madiscourage, mas lalo pa akong naging determined to pursue my singing career. Though I regret na di ko na makakasama pa si Hell and wala na akong chance na makita pa si Night... and most of all, mamimiss ko yung mga kasama ko sa apartment, maging ang school na to.

"It was a really close fight, isn't it? But sad to say, ganun talaga sa mga contest, lageng may natatalo. But bear in mind students, na hindi porke't natalo ka ngayon eh talo ka na habang buhay. And for this other group, Unknownymous band, sana hindi kayo madiscourage at hindi kayo mag give up sa mga pangarap n'yo after n'yong matalo ngayon. Lahat kaming staff ng Hoshi Academy, hope and wish na as you leave this school today sana hindi kayo--"

Natigil yung mc sa pagsasalita dahil biglang may sumigaw from the crowd, "Bakit sila aalis?"

Tapos may sumunod pang isa, "Oo nga! Bakit sila aalis?"

Maraming nagsimulang magtanong kung bakit aalis kami, so inexplain nung mc yung tungkol sa kasunduan namin nung school. Yung fact na pag natalo kami, eh mapapaalis kami sa school since di naman talaga kami nakapasa sa auditions.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon