CHAPTER 16- Friends

291K 5.7K 1.6K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love makes your heart flutter, and sometimes...  jealous.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 16- Friends

MIKA's POV

Naglalunch ako mag-isa sa isang spaghetti restaurant sa food court ng Building of the Stars. Mag-isa lang ko kasi si Rocket nabalitaang nasa isang Italian restaurant ang Star-X so ayun pumunta s'ya dun agad para kay Air (as usual), si Shield naman busy in pursuit kay Ace (determinado kasi si Shield na gawing isa sa vocalist namin si Ace sa performance, bale duet kami ni Ace, yun ang gusto ni Shield, and isa pa kailan lang namin nalaman na kapag may isa sa amin na di nagperform madidisqualify kami automatically, so kailangan talaga naming mapasali si Ace). Actually ikinabigla nga namin ang pagpiprisinta ni Shield na s'ya daw ang kukumbinsi kay Ace na sumali eh, sana talaga magtagumpay si Shield. Si Ivan at Ash naman iniwan kong nagtatalo dun sa daan kanina kasi gutom na talaga ako, hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon.

Habang kumakaen ako ng pastang inorder ko, iniisip ko parin kung kamusta na sila kuya at mommy sa bahay. I cried my eyes out in front of Hell kahapon (which was somewhat embarassing) but still yung home sickness ko andun parin. Iniisip ko tuloy kung gagamitin ko na ba yung Free Call Ticket ko kasi miss na miss ko na talaga sila kuya at mommy at yung mga alaga kong pusa.

What is a free call ticket? Let me enlighten you... Ticket yun allowing you to call anyone you want outside of the school, 1 hour ang allowable time pero isang beses mo lang magagamit/ isang number lang ang pwede mong tawagan. Since ang objective nga ng school na to eh itrain kami for the future life of a star, bukod sa fact na once a month lang pwedeng umuwi ang mga student dito, isang beses lang din kaming pwedeng kumontact sa labas, at yung free call ticket nga ang gagamitin para makatawag. Yung mga nasa labas naman like our parents, pwede lang kaming kontakin kung may emergency talaga, dadaan pa yung calls nila sa faculty. Yung cellphones kasi namin before we entered this school, makukuha lang namin pag uuwi kami sa bahay namin/ lalabas kami ng school. Pero pag nasa loob ng school, yung cellphones na mabibili mo sa loob ng school lang ang pwede mong gamitin, na may sim na ang tanging macocontact mo lang ay yung cps na may sim din na ganun, to cut it short, yung mga tao lang na nasa loob ng premise ng school ang macocontact mo.

Since ganyan nga yung sitwasyon sa school, yung free call ticket, you should use it wisely kasi one time mo nga lang magagamit every month, eh nagkataong sa performance battle namin with C.R.Y. birthday ng mga kuya ko, dun ko sana balak gamitin yung free call ticket ko para igreet sila at humingi rin ng goodluck para di ako masyadong kabahan sa performance... ilang araw na lang naman yun pero parang gusto ko na talagang marinig ang boses nila kuya at mommy, sa tingin ko yun lang ang makakapagpaalis ng lungkot ko. Haay, nakakainis naman, bakit kasi isang call lang ang pwede per month?

"Ruth! Oi Ruth!" nasurprise ako nang makita ko si Vincent na kinakaway ang kamay n'ya sa harap ko.

"Oh Vincent, ikaw pala."

"Tulala ka na naman. Tinatanong ko kung bakit mag-isa kang kumakaen."

"Ah busy yung mga kasama ko eh."

"Paupo kami ni Hell huh?" sabi niya tapos umupo na sa harap ko dala ang tray n'ya. Bumilis tibok ng puso ko ng banggitin n'ya si Hell, at lalong bumilis yun nung makita ko si Hell na lumalakad na palapit sa table kung nasaan ako. Ang lagkit ng tingin sa kanya nung mga babaeng nadaanan n'ya, well di ko sila masisisi, he's always hot. May home sickness ako pero naappreciate ko parin ang pagiging hot n'ya, ganun s'ya ka-hot people!

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon