CHAPTER THIRTY TWO

595 34 5
                                    

[32]
Maeve's Point of View

ILANG BUWAN na ang lumipas. Halos ilang buwan rin akong nanatili sa kwarto ko, hindi nag kulang ang pamilya maging ang dalawang kaibigan ko na paalalahanan na magiging okay lang si Tryton pero hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaksyon ng katawan at isip ko. Sa isang linggo pamamalagi ko rito sa kwarto ay wala akong ibang ginawa kung hindi magpaikot-ikot lang dito sa kwarto ko, tahimik ako habang sinasariwa ang lahat ng masasayang ala-ala namin ni Tryton. Kung pano kami nag kakilala at pano kami nagkabalikan. Habang tumatagal mas lalong sumasakit ang nararamdaman ko, ni-isang balita kay Tryton ay wala akong narinig sakanila.

I suffer depression because of what happened, traumatized with emotional pain. Sa ilang linggo pa ang lumipas ay kumuha na sina mommy ng psychology upang bantayan ang daily acts ko. Kahit hindi ko sila kausapin o kibuin ay hindi sila nag kulang na alagaan ako sa araw ng break down talaga ako. Hindi ko rin alam na dadating ako sa ganitong point ng buhay ko.

Ilang araw pa ang nagdaan, napagdesisyonan kong lumabas ng kwarto at dumeretso sa kusina upang kumuha ng tubig dahil sobrang uhaw na uhaw ako.

Nagtataka silang lahat ng makita nila akong lumabas ng kwarto ko, maging ako ay nagtataka sa sarili ko kung bakit.

"Pwede ba akong umalis ngayon?" iyon agad ang bungad ko kayna mommy habang nanonood sila ng TV sa salas.

"Ano?" halos masamid ito sakaniyang kinakain habang nakatingin sa 'kin.

"Aba syempre naman, Maeve. Saan mo gustong pumunta." lumapit sa 'kin si Kuya habang sinisenyasan nito sila mommy.

"Gusto kong magpahangin, gusto mag relax kasama iyong dalawa kong kaibigan."

"Kayong tatlo lang?" gulat na tanong ni daddy, tumango ako.

"Pwede naman, walang problema. Tatawagan ko lang ang dalawa mong kaibigan tutal weekends naman ngayon, paniguradong masasamahan ka nila." halata sa boses ni daddy na naghahalo ang gulat at pag aalinlangan dahil gusto niyang maayos ang kalagayan ko, kahit labag sa loob nila na umalis kami na kaming tatlo lang ay nilunok muna ang pride nila.

Matapos ang usapang iyon ay dumeretso na ako sa banyo ng kwarto ko, naligo at inayos ko ang sarili ko. Naglagay na rin ako ng konting kolorete sa mukha ko gaya ng madalas kong ginagawa upang mabigyang buhay naman ng konti ang mukha ko. Matapos niyon ay dumeretso na ako sa closet upang pumili ng damit na susuotin, naglagay na rin ako ng iilang damit at amenities sa may backpack ko.

Ilang oras pa ang lumipas nang makarating sina Ynnah at Zyrine na may dalang kaniya-kaniyang bagpack. Hindi ko man sinabi sakanila na magdala ng damit pero mukhang alam na nila ang gagawin nila tutal ganito rin ang nangyare noon kaya lang hindi ganito ka worst na umabot ako sa pagiging depressed.

"Here's the key, ikaw na ang mag drive ng kotse ni Maeve." utos iyon ni daddy kay Ynnah.

"Yes tito," nakangiting kinuha ni Ynnah ang susi na 'yon sa kamay ni daddy.

"Mag iingat kayo ha?" si mommy, ngumiti ako sakanila.

"Ingat ka sa pag da-drive, Ynnah. Ingatan mo ang prinsesa namin." si Kuya ang nag salita.

Isa-isa na kaming nag silagay ng bag sa may compartment. Unang pumasok si Ynnah sa loob ng kotse ko, ako naman binuksan ang sa may shotgun seat at si Zyrine sa likod. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay muli akong bumalikid at yumakap ako sakanila.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon