CHAPTER NINE

1K 131 26
                                    

[09]
Maeve's Point of View

HABANG NASA loob ng sasakyan ay hindi ko maiwasang mailang dahil sa maya't maya na paglingon sa 'kin ni Drake.

"Huwag mo 'kong titigan ng ganiyan, Drake. Naiilang ako" sabi ko nang muli siyang tumuon ng tingin sa daan.

"Pasensya na, pakiramdam ko kasi may hollywood star akong kadate ngayon eh." sabi niya habang nakatuon ng atensyon sa pag mamanahe.

Napangiwi ako. "Just focus, please."

"Okay," matipid siyang ngumiti sa 'kin saka siya muling focus sa pag mamaneho.

Mabuti nalang at hindi traffic kaya naman mabilis kaming nakarating ng school. 

Papasok na kami sa may entrada at halos lahat ng estudyanteng na naroon ay na saamin ang atensyon. Si Drake ang nag fill up sa log book ako naman ay nakatayo sa may likurang pwesto niya.

Medyo na ilang ako nang biglang tumutok sa 'kin ang spotlight kaya naman ng matapos si Drake mag fill up ay agad niyang inilahad ang kanang kamay sa harap ko pero sa halip na hawakan ko iyon, sa braso niya ako napakapit at napiga ko iyon dahil sa tensyon na nararamdam ko. Hindi ko alam kung naghalo ang kaba at lamig sa lugar na 'to.

"Relax." ngumiti siya sa 'kin, gumanti ako ng ngiti saka nagpatuloy kami sa papasok sa loob.

Nang makapasok sa loob kami ay hinanap ng mata ko sina Ynnah, pero si Sean ang nakita namin. Hindi na kami nagdalawang isip, dumeretso kami doon sa gawi niya malapit sa may entablado.

"Hi bro. Late na ba kami?" salubong ni Drake sa kaibigan niya.

"Drake," bigla itong napatayo at tinapik niya ang braso nito

"Hi, Maeve. Looking good, huh." ngumiti siya sa 'kin, kaya naitaas ko lang ang kanang kamay ko at ngumiti.

"Ehem, she's my date, Sean." bigla niyang tinapik ang balikat ng kaibigan. "Anyway, nasaan na nga pala 'yong ka-date mo?" tanong niya kay Sean sabay hila ng upuan at pinaupo niya ako doon.

"Nag cr pa, by the way nice suit, pre."

"Syempre, Gucci eh." medyo may anagas na pagkakasabi ni Drake.

"Hanep, kayabangan 'no? Parehas lang tayo, gago!" umiling-iling si Sean.

Habang naghihintay mag umpisa ang party ay mas lalong mag iingay ang crowd at mas lalong dumadami ang mga estudyante.

"Naandito na pala ang ka-date ko." napatayo bigla si Sean sa inuupuan niya.

Naaninag ko si Ynnah, dahil may isang spotlight ang tumapat sakaniya. Naka Black Sleeveless Bodycon Midi Dress. Halos hindi ako makapaniwala na si Ynnah iyon dahil mas humubog ang katawan niya, at lumabas ang pagiging matanggad niya dahil may slit iyon sa kaliwang bahagi ng hita niya. Napaka simple ng suot niya pero ang lakas ng dating.

Kaya naman pala una palang ay hindi na nawala ang ngiti ni Sean dahil sa ganda ni Ynnah ngayon.

"Is that her?" biglang tanong ni Drake ng makalapit si Ynnah sa table namin.

"Mukhang bang hindi?" si Ynnah ang sumagot, sinamaan niya ng tingin si Drake bago lumapit sa 'kin.

"Bakla ka! Bongga ng backless mo ngayon ah." natatawa niyang kinurot ang likod ko.

"Bwesit ka." nag make face ako bago ko siya i-beso.

"Hi, Ynnah." nakangiting bati ni Drake sakaniya. "Magkakilala kayo?"

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora