CHAPTER EIGHTEEN

982 105 48
                                    

[18]
Maeve's Point of View

ILANG LINGGO pa ang lumipas pero hindi pa rin nagpaparamdam sa 'min si Zyrine, isa pa, iwas siya sa 'min nong nakaraan bumalik siya sa klase. Hindi namin ramdam ang presensya niya nandiyan siya pero parang wala, hindi kasi siya naka upo sa tabi ni Ynnah, sahalip doon siya sa pinakalikod katabi sina Andrew at Yassi. Tapos kada tapos nang klase ay hindi man lang siya nagsasabi kung san pupunta pero kahit ganon inalaman namin iyon at doon siya dumederetso sa may photo booth na itatayo nila para sa darating na intramurals. Hinayaan nalang namin siya ni Ynnah, inintindi namin siya hanggang sa makakaya namin, pero parang malapit ng maubos ang pasensya ng isang 'to.

Kaswal lang naman ang mga nangyare sa mga linggong nakalipas. Kagaya ng dati nag training kami sa quizbee dahil ilang araw nalang ay intramurals na. Lahat kaming magkakaibigan ay busy sa kaniya kaniyang mga asignatura. Si Ynnah abala sa training sa pagiging athletic si Zyrine naman ay busy sa photo booth, ako naman ay abala sa pag babasa at pag aaral kasama si Tryton. Hindi ko kasi lubos akalain na meron palang ganito tuwing intramurals. Noon kasi puro club at mga booth ang inaatupag namin except kay Ynnah, si Ynnah kasi matagal ng athletic pero go parin siya sa kagagahan namin ni Zyrine, noon. Nakakamiss nga eh. Last year ganon pa 'yong bonding namin pero ngayon, ibang iba na eh. Si Zyrine 'yung unang nag iba.

"Are you both ready for next week?" natigilan ako ng biglang magsalita si Miss Izzy habang kumakain kami sa cafeteria. Nagkatinginan muna kami ni Tryton bago sumagot sakaniya.

"Yes coach." sabay naming nasabi.

Malagkit na ngumiti si coach sa aming dalawa ni Tryton.

"Alam niyo sa tuwing nakakatinginan kayo ni Tryton, pakiramdam ko bumabalik ako sa pagkadalaga, simula kasi nang masama ko kayong dalawa lately.. Parang iba eh." natatawang sabi niya kaya naman bigla akong nakaramdam ng pagkailang, napangiti lang ako ng pilit sakaniya.

"Anyway, if you don't mind. Can I something, Tryton?" ngumiti ito.

"Sure coach." sagot ni Try.

"Hmm. Anong tipo mo sa isang babae?"

"Hmm." hindi pa man nakakasagot si Tryton ay bigla akong nabulunan.

Nanlaki ang mata ni Tryton sa naging reaksyon ko, hindi ko alam pero parang bumara sa lalamunan ko iyong karne ng kinakain ko.

"Are you okay, Maeve?" biglang tumayo si coach, kumuha ng isang basong tubig at iniabot saakin. "Drink this, hija."

Dali-dali kong ininom ang inabot sa isang basong tubig. Hindi ko alam kung bakit ba ko nabulunan samantalang ang ayos ayos naman ng panguya ko.

"Thank you, coach." nahihiyang sabi ko ng umayos na ang pakiramdam ng lalamunan ko.

"No it's fine, Maeve. Anyway, Tryton. Never mind my question earlier." ngumiti si coach saamin.

"I have to go, just do self study, alright? See you tomorrow." tinapik nito ang balikat naming pareho ni Tryton. "Enjoy your meal."

Sinundan ko ng tingin si coach papalabas ng cafeteria. Minsan talaga iniisip ko sakaniya, may gusto siya kay Tryton eh.

Tinapos namin ang tanghalian saka kami dumeretso ng library. Pumuwesto kami ni Tryton sa pinakadulong bahagi nitong library at sumalampak sa sahig. Mas komportable kami sa ganitong posisyon kaysa sa may upuan na mas nakakangalay sa pwetan. Dito rin naman kasi talaga ang pwesto namin sa tuwing nag aaral kami, pareho kasi kaming ayaw ng naririnig na bulong bulungan ng nag uusap dahil nakakasira ng concentration.

Wala kaming ibang ginawa ni Tryton kung hindi magpalitan ng tanong at sagot. Kanina ay history at literature ang pinag aaral namin dahil doon talaga ako mahina, matapos niyon ay english at tagalog. Sobrang taba ng utak ko pero iyong katawan ko payat pa rin, gusto ko ngang tumaba physically pero ayaw talaga kahit kumain ako ng madami.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now