CHAPTER THIRTY

537 32 8
                                    

[30]
Maeve's Point of View

PINAGTULAKAN AKO nang babaeng akala ko ay tutulong sa 'kin.

Agad ako nitong sinaraduhan ng pinto ng malaman niyang hinahanap ko si Cindy at hindi ko naman lubos akalaing  anak niya ito.

"Ali, baka naman matulungan niyo ako?" pagpupumilit ko pero wala na akong nakuhang kahit akong halushos.

Napakamot ako sa ulo. Dahil sa wala akong magawa ay tuluyan na akong lumabas sa compound na iyon. Agad akong nag tungo sa may ukay-ukay at namili ng damit. Dahil sa wala akong choice at pumili lang ako ng dami na pamalit para hindi ako mabastos sa lugar na 'to.

Nagbihis ako ng naayon dito sa lugar, bumili na rin ako ng paper bag nilagay ang sugot kong damit kanina.

Medyo naiirita ako sa suot ko ngayon dahil sobrang kati ng damit, hindi ko na kailangan mag inarte ngayon dahil ang misyon ko ngayon ay hanapin at makita si Tryton.

Tumayo ako sa isang tabi at nag scroll ng cellphone, hinanap ko ang Facebook ni Tracey at ni Cindy. Pinagtanong ko ang mga taong bawat nakasalubong ko, may iilang nag sabi na taga dito raw si Cindy pero matagal ng hindi umuuwi at doon ko lang napagtantong tama ang sinabi ng babae kanina.

Habang sinisiil ko ang bawat daan sa squater area na ito ay naalala ko ang gps ni Tryton. Muli kong binuksan ang cellphone ko at saka binuksan ang ways. And thanks God dahil hindi patay ang cellphone ni Tryton kaya naman agad kong sinundan ang trace niyon.

Nang malapit na ko sa kinaroroonan ng trace nito ay agad kong nakita ang lalaking kumasap sa 'kin kanina. Lalapitan ko sana iyon ngunit bigla akong nakatanggap ng tawag at text mula kay daddy at Kuya. Hindi ko iyong sinagot sa halip ay napabuntong-hininga ako.

Padilim na rin kaya malamang ay nagtataka sila kung bakit wala pa kami ni Tryton.

"Nasaan kana ba, hon?" halos maipadyak ko ang paa sa sobrang walang magawa.

Maglalakad na sana akong muli kung nasaan ang kinaroroonan ng lalaki kanina ay bigla na lang itong naglaho parang bula.

Nilandas ko na lang ang daan kung saan ang sinasabi ng gps ng cellphone ni Tryton. Nang nang matunton ko ang daan pakiramdam ko bigla akong kinabahan.

Ang kaninang walang tensyon ngayon ay halos lumabas lahat ng kaba takot at kung ano dapat maramdam.

Sobrang kibot at riit ng daan sa kinaroroonan ni Tryton. Dahil sa walang choice, pinasok ko ang maliit na eskenita.

Nang maabot ko ang pinakadulo ng eskenita ay saglit akong naghabol ng hininga dahil sa sobrang pawis at pagod dagdag pa ang mainit na damit at nakakairitang himulmol nito.

Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid, parang tambakan nh basura at may maliit na karag-karag na kubo sa may pinakadulong bahagi dito. Mukhang ito ang pinakasulok-sulukan ng lugar.

Hindi na ako nag patumpik-tumpik pa, maaring nasa kubong iyon si Tryton. Kahit sobrang dumi ng lugar ay wala na kong choice, ang gusto ko lang ngayon ay makita si Tryton.

"Damned it!"

Para akong nabunutan ng tinik sa leeg ko nang marinig ang boses na iyon ni Tryton sa may kubo. Mukhang walang nakapansin sa pag dating ko kaya naman nang may makita akong butas ay agad akong sumilip. Ngunit halos maluha ako sa nakita ko.

Nakagapos si Tryton at walang awa siyang hinalikhalikan ni Tracey si Tryton pababa hanggang makarating sa ibabang bahagi ni Tryton. Nang makita kong tatanggalin na nito ang pants at pag ibabang saplot ni Tracey. Hindi ako nagatubiling kumuha ng basag na butilya at nagmadali akong umakyat sa kinaroroonan nila.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now