CHAPTER EIGHT

1.1K 127 27
                                    

[08]
Maeve's Point of View

MAAGA AKONG nagising, hindi ko inaasahang maaabutan ko si Kuya nag luluto ng tosino habang si ate Megan naman ay nag titimpla ng kape.

"Good morning, Maeve." bati sa 'kin ni ate Megan ng mapansin niya akong nakatayo sa may tabi ng refrigerator.

"Ang aga mo ngayon ah." lumapit sa 'kin si Kuya habang hawak na spatula. Humalik ito sa noo saka ako tinitigan sa mukha, "Dumating na kagabi ang susuutin mo mamaya sa party, hinatid ko sa kwarto mo pero nakita ko tulog kana kaya nilagay ko na lang sa ilalim ng lamesa malapit sa kama mo."

"Bakit hindi mo ko ginising, Kuya?" biglang kumunot ang noo kong tumingin sakaniya.

"I tried but you look so tired, so.. Hindi ko na lang unulit." ngumiti ito.

"Okay fine." napairap ako.

Kumuha ako nang pitcher na may lamang tubig at dinala iyon sa may lamesa. Doon ako mag salin ng tubig sa baso.

Napatitig lang ako sa dalawang nasa harapan ko, they're both enjoying their doing. Akala mo hangin akong nakatayo dito dahil may sarili silang mundo.

Lumingon sa gawi ko si Ate Megan, napangiti ako dito at nginitan niya rin ako.

"Gusto mo ng kape, pagtitimpla kita?" suhestiyon niya.

"Hindi na ate, sandwich na lang." sagot ko.

Umupo ako sa may antsy chair malapit sa may bintana at doon ko silang pinagmasdang pareho. Natutuwa ako sakanila ni Kuya dahil noon ay halos hindi ko siya nakikita rito sa bahay dahil mas gusto niya lang sa trabaho niya, pero ngayon halos araw-araw nang umuuwi. Actually matagal na si Ate Megan dito, hindi lang napapansin ni Kuya dahil nasa trabaho lagi ang atensyon niya, noon. Ang pagkakatanda ko, nagsimula ang lahat nang pagbabago kay Kuya noong tumakbo bigla si toffy, iyong aso ni Ate Megan papasok sa kwarto niya. Saksi ako noong mangyare iyon dahil ako rin ang rason kung bakit, pero hindi ko naman intensyon iyon.

"So, you're staring at us?" natigilan ako bigla ng biglang lumapit sa 'kin si Kuya.

"Us, huh?" nagmadali akong ayusin ang sarili ko. "No way, kapal naman ng mukha mo, Kuya!" inirapan ko ito.

"Don't deny it, you're pretty much obvious." pinitik niya bigla ang ilong ko.

"Aray!" singhal ko, gagantihan ko sana ito kaya bigla niya akong tinalikuran.

Tumayo ako at kinuha ko ang nasa platong sandwich, binitbit ko iyon.

"Hindi ka sasabay?" biglang tanong ni Ate Megan.

"Hindi na, baka mawalan ako ng gana sa pagmumukha ng abnormal na 'yan!" napairap ako kay Kuya.

"You're so pikon huh?" ngumisi ito.

Hindi ko na iyon pinansin sa halip ay tinalikuran ko na sila, pero hindi pa man ako nakakahakbang ay muling mag salita si Kuya.

"On the way na sila mom at dad, they will not go to work today because they want to see us before the party." natigilan ako sa sinabing iyon ni Kuya, napapihit ako ng tingin sakaniya saka ako marahan na bumalik sa lamesa at nilapag ang hawak kong plato at umupo ako sa tabi ni Ate Megan. Kahit pa masama ang loob ko sakanila dahil sa kasunduan nila ng business partner niya ay hindi iyon rason para hindi ko sila mamiss, sobrang close ko sakanila since then, kaya naman kahit anong sama nang loob ko sakanila ay mas pinipili ko paring ipakita sakanila na hindi ako galit sa ginawa nila.

"You're not joking, isn't?" tumango lang ito kaya naman bigla akong napangiti. Sa totoo lang namiss ko sila dahil ilang araw din silang hindi nakauwi dahil sa sunod sunod na meeting at overtime kaya sa condo na lang sila tumutuloy malapit sa building ng business namin.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now