CHAPTER ELEVEN

1.1K 121 14
                                    

[11]
Maeve's Point of View

MAAGA AKONG nagising dahil sobrang sakit ng tiyan ko. Napasobra ata ang kain ko kagabi, pakiramdam ko ay na empatyo ako. Pagkatayo ko ng kama ay agad akong dumeretso sa banyo upang mag bawas ng mga kinain ko kagabi. Pagkatapos niyon, nahugas muna ako nang kamay bago bumaba sa kusina at naabutan kong nagluluto si Manang.

"Good morning," bati ko sakaniya saka ako dumeretso sa may refrigerator at kumukha ng isang bote ng tubig.

"Aga mo naman, hindi ka ata nakatulog dahil sobra kang nag enjoyed sa party, hija?" ngiting tanong nito.

"Hindi naman ho masyadong maganda ang nangyare kagabi." lumapit ako sa gawi ito sabay tunga sa hawak kong bote ng tubig.

"May darating daw kayong bisita ngayon." napalingon ako nang biglang nagsalita si Ate Megan na kasalukuyan namang nag iinit ng tubig sa heater, hindi ko siya napansin kanina kaya naman napatabingi ang ulo ko.

"Sino daw?" tanong ko.

Hindi pa nga ako nakakaget over sa party tapos may dadating pang bisita?

"Hmm." agad akong napalingon sa may entrada nitong kusina, si daddy iyon. "Good morning, beautiful ladies" bati nito.

"Meg, ipagtimpla mo muna ako ng coffee, please." utos niya.

"Okay, Sir."

"Morning dad." nagbeso siya sa 'kin.

"We invited them." anito nang magkalayo na ang mukha namin.

Napakunot ang noo ako. "Sino?"

"Them, you're fiancé and soon to be parent in-law" napanganga ako sa sinabi ni daddy.

Pinobrolema ko pa nga iyong sa amin ni Tryton, tapos may idadagdag nanaman sila problema ko? Pakiramdam ko tuloy naihipan na ako nang masamang hangin at biglang nag iba ang timpla ng mood ko.

"Dad!" pamimigil ko sakaniya. "I'm not going to meet them!" protesta ko.

"But you must, baby." pag-aalo niya saakin.

"No, I'm too young for this!" medyo tumaas ang tono nang pananalita ko.

"I know, pero hindi ka namin minamadali. It was for your future, Maeve."

"Future?" peke akong tumawa. Kaya nga nag aral ako para sa future ko, tapos didiktahan pa nila ako. "No daddy, please?" nag halo-halo ang nararamdam ko kaya halos maluha-luha ako sakaniya pero hindi niya pa rin ako pinakinggan.

Lumingon ako kayna Manang at Ate Megan upang humingi ng saklolo pero umiwas lang sila nang tingin sa 'kin.

Hinawakan ni daddy ang magkabila kong pisngi at hinaplos-haplos ito. "This is the right things to do baby, sana maintindihan mo kung bakit kailangan naming gawin ito."

Hindi na ko sumagot, hinayaan ko na lang si daddy at sinunod ang gusto nila kahit labag sa loob ko.

Pano ko sasabihin kay Tryton na hindi na kami pwedeng magkaroon ng chances dahil may fiancé na ko. Sa ngayon, kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa pangalawang pagkakataon na pag kakastigo sa nararamdaman ko. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko dahil hindi na pwede.

Habang kinakastigo ko ang sarili kong nararamdama, dumeretso ako sa closet at doon namili ng isusuot. Kahit labag sa loob ko, kailangan ko 'tong gawin at isipin na mas mabuti na rin siguro 'to para mabaling namang ang atensyon ko sa iba. Kung nagsardong ang puso ko noon, siguro this is the right time to open it again. Hindi nga lang sa pareho tao.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon