CHAPTER TWENTY

912 91 36
                                    

[20]
Maeve's Point of View

LILIPAT SANA ako ng pwesto dito sa loob nang mapagtanto kong puno pala kami dito. Nakita kong nasaakin ang atensyon ni Cindy kaya naman tinignan ko ito saka tinaasan ng kilay, agad naman sumama ang mukha nito.

Inirapan ko ito bago muling bumalik nang pwesto kung saan katabi ko sina Coach Izzy and Tryton.

"Saan ka galing, Maeve?" tanong ni Coach sakin, hindi ako sumagot at dumeretso ako sa may pinaka bintana.

"Wala kang dapat ipag selos, Maeve." bulong sakin ni Tryton nang makaupo ako, sa tono nang pananalita niya ay parang binibigya niya ako nang kasiguraduhan.

"She's a good friend of mine, so please don't be so worry." hinakawakan niya ang kanang bahagi ng pisngi ko sabay halik sa noo ko. Napapikit na lang sa ginawa niya, 'yong kaninang mabigat na pakiramdam ay parang biglang gumaan. I trust him, kaya sana.. sana talaga nag sasabi siya ng totoo.

Habang nasa biyahe ay hindi pa rin nag kakahiwalay ang kamay namin ni Tryton. Hinahaplos-haplos niya ito at hinahalikan, sumandal ako sa balikat niya habang pinapakalma ang sarili. Alam kong nakikita ni Cindy ang ginagawa sa 'kin ni Tryton pero I don't care, maglaway siya sa inggit.

"Sweet n'yo naman." nagising ako bigla ng marinig ko ang boses ni coach, agad akong napakalas kay Tryton at sabay inayos ang sarili.

"Coach." sabay kaming napalingon ni Tryton kay coach Izzy na nakangisi habang naka tingin sa 'min.

"Nililigawan mo 'no?" natatawang tanong ni coach kay Tryton, bigla tuloy akong nailang.

Biglang naging awkward ang nangyare na 'yon kaya naman madaling iniba ni coach ang topic.

"Anyway, be ready and good luck later!" aniya saka ngumiti habang iling-iling.

Agad akong napalingon sa may bintana ng bus, napansin kong nasa parking area na kami ng PUP kaya naman ilang minuto pa ay huminto na ang bus. Isa-isa na kaming bumaba at muntik na akong matalisod dahil sa buwesit na impaktang Cindy na 'to. Kung hindi ka lang talaga kakilala ni Tryton baka pinatulan pa kita lalo!

Dumeretso kami sa kaniya-kaniyang designated area. Sabi kasi ni coach ay may sarili kaming room ni Tryton kaya naman makakapag pahinga at makakapag handa kami ng maayos. Medyo stress na ako pero kailangan ko talagang pakalmahin ang sarili ko.

"Alam kong handa na kayo para mamaya, buong LVA ay umaasang makukuha niyo sa ika-limang pagkakataon ang titulo." maya mayang ani ni coach nang makapag ayos na kami ng gamit.

"We will, coach. Right, Maeve?" ngumiti si Tryton.

"Of..of course." bigla akong nautal.

"Tandaan niyo, isn't all about the trophy it's all about your effort to paid off. Is that clear?"

"Yes coach!"

"Umaasa kami sainyo. Let's go LVA!" sabay tapik sa balikat naming pareho ni Tryton.

Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng matinding excitement sa mangyayare. First time ko kasing isali sa mga ganitong competition, kung kanina ay kinakabahan ako ng matindi, ngayon ay parang hindi ko na maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

Lumabas si Miss Izzy kaya dalawa kaming na iwanan dito sa classroom ni Tryton. Nang hindi na namin matanaw si Miss Izzy ay dumeretso kami ng canteen ng dahil pareho kaming nakaramdam ng gutom.

Nang makarating kami sa canteen nitong PUP ay hindi ko akalaing sobrang daming estudyante rito. Mabuti nalang medyo may kalakihan itong school na ito kumpara sa amin sa LVA.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now