CHAPTER TWENTY NINE

791 52 3
                                    

[29]
Maeve's Point of View

NATAPOS NA ang championship nila Ynnah. Syempre for almost how many years being an athlete masasabi kong sobra akong nagiging proud bilang kaibigan niya dahil nasa kanila nanaman kasi ang titulo ng pagiging kampiyon.

"We did it!" tumakbo siya gawi namin ni Tryton. Kahit pawis ito ay sinalubong ko iyon nga yakap.

"Congratulations, bakla!" para kaming tangang dalawa dahil nag tatalon sa sobrang tuwa.

"Pwede ba akong sumali?" napahinto kaming dalawa ng biglang lumapit si Zyrine sa amin.

"Zy!" napangiti kami ni Ynnah. Agad naming itong niyakap.

"Nagawa namin! Champion nanaman kami!" natutuwang saad ni Ynnah.

"Congrats!" tuwang-tuwa na ani ito.

Dahil kompleto kaming tatlo ay hindi na namin pinaglampas ang pagkakataon. Nagpaalam si Ynnah sa kaniyang coach dahil sa amin daw siyang sasama ngayong buong maghapon.

Kung saan-saan lang naman kaming pumuntang apat. Sinamahan kami ni Tryton sa mga kalokahan naming tatlo. Pumasok kami sa iba't ibang booth at mga food stall, kung ano-ano ang pinag kukuha naming pagkain. Sinulit na naming lahat ng makita namin dito dahil bukas, wala na! Back to reality na kami.

Matapos ang lahat ng ginawa naming kalokohan ay agad na kaming nagpuntahan sa gymnasium. Nagtext na rin si coach Izzy kay Tryton na doon kami sa may harapan, dahil if ever na kami rank kami ay sasabitan kami ng medalya.

Nagpaalam kami ni Tryton sa dalawa, si Ynnah ay pupunta na rin sa gawi ng team nila at si Zyrine ay naiwan sa may entrada. May hihintayin daw siya para may kasama siya kaya ayon, iniwanan na namin siya at pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming area.

"May we call on Mister Diaz the head sports from Louisville Academy" nagpalakpakan ang mga estudyante.

"This is short dahil ayaw kong pahabain pa dahil alam kong may kaniya-kaniyang ganap pa ang mga nanalo."

"Woaaa!"

"PUP!"

"FIAT LUX!"

"LVA!"

"At first, I want to congratulate to all those whose efforts behind this successful event. To all student, schools — Universities, Academies and Colleges.. To their, Coaches, Teachers, Professors and of course to all the players who defend their title and their families who always support. To those participated in this event. And to all the Champions! Congratulations!" dumagondong ang buong gymnasium dahil sa sigawan ng mga estudyanteng narito.

"Sobrang ingay." natatawang bulong ni Tryton.

"Baka kung nakasali ako sa basketball team, madami kang magiging karibal." pang-aasar  pa niya.

"What ever, ngayon pa nga lang quizbee palang sinalihan mo nakatikim na agad ako ng sampal sa mga babae mo!" mapait akong ngumiti, napangiwi ito sa sinabi ko.

"Maraming salamat sa Polytechnic University of the Philippines - Manila dahil sa pag papaunlak na dito na iheld lahat ng event. Sobrang salamat! At alam ko, bawat manlalaro sa bawat paaralan na dumalo sa sports fest ay hinahangad makuha ang titulo. Kaya naman nais kong congratulate ang bawat ng manlalaro na nakilahok sa Intramurals na ito."

"Woaaaahh!!"

"Kyaaaaaaaah!"

"Lalong lumakas ang sigawan." bulong sakin ni coach.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon