CHAPTER TWELVE

1K 112 20
                                    

[12]
Maeve's Point of View

HANGGANG NGAYON ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ayaw maniwala ng utak ko pero gusto iyon nang puso ko. Hindi ko alam kong anong tamang maramdaman dahil sobrang gulo at ayaw magprocess ng utak ko.

"Si Tryton ba talaga?" naibulong ko sa hangin. "Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon ni Kuya at Tryton nung Acquaintance Party?"

Shit! Bakit ba kasi 'di ko naisip iyon?!

Naghalo-halo ang emosyon ko. Pakiramdam ko sasabog iyon sa mga oras na ito dahil all this time.. Si Tryton pala? Gustong gusto ko na siya ang magiging fiance ko pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi ko alam kung matutuwa ako na maiinis, para akong tanga. Sobrang nag drama pa naman ako matapos ang party dahil ang buong akala ko ay hindi na pwede pero possible dahil siya ang magiging fiancé ko.

Gayumpaman, meron sa loob kong hindi natutuwa. Masaya ako pero parang hindi.

Ang gulo!

"Maeve, halika na. Naghihintay na sila sa loob." muling lumabas si Manang at lumapit sa gawi ko.

Ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko. Nag aaway ang dalawang parte nang organs ko. Lamang talaga ang galit sa puso ko at alam ko kung nang gagaling ang galit na iyon.

"Maeve." tawag muli ni Manang. Hinawakan nito ang braso ko at marahan niya akong hinila papasok ng bahay, sumunod lang ang mga paa ko sakaniya.

Bigla akong tinubuan ng hiya nang makita kong lahat sila ay nakatingin sa amin. Nakapaa pa ko dahil ang heels ko ay bitbit ko pa at hindi ko na naisuot dahil sa sobrang pagkatulala. Maging si Tryton ay bibigyan ako ng blankong tingin.

"What's going on?" biglang tanong ni daddy.

"Wala dad." tinanggal ko ang kamay ni Manang sa braso ko saka madaling isinuot ang heels. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo at seryosong lumapit sakanila.

"Ok, come here baby. Please have a seat." ani daddy saka ako nginitian.

Umupo ako sa tabi ng mga magulang ko, nasa tapat ko si Tryton pero hindi ako hinayaan ang sarili kong mailang sa presensya ni Tryton.

"This is my son, Tryton Carter" pagpapakilala ni Tita Yanara sa anak niya. Pilit akong ngumiti sakanila maging kay Tryton, I just pretend na hindi ko siya kilala.

"We glad to meet you, Tryton." nag bow sina daddy pero ako nanatiling nakatitig sakaniya, halatang pinapakiramdaman namin ang isa't isa.

"So, this our daughter Maeve Montarde." pagpapakilala nila mommy.

"I heard na same campus lang pala kayo, did you meet each other at school?" biglang tanong ni Tito Augustine.

Nagkatitigan kaming pareho ni Tryton. Napalunok ako ng biglang bumuka ang bibig nito.

"Yeah," matipid na sagot nito. "We are classmate and since then we both know each other" walang prenong ani Tryton. Halos malaglag ang panga ko maging sila dahil sa sinabi nito.

"What?" sabay-sabay na sabi ng magulang namin. Napatingin sa 'kin sina mommy maging ang magulang ni Tryton ay gano'n ang ginawa nila.

"How?" nauutal na tanong ni daddy, halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.

"Way back in states. She's my girlfriend." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Kunot noo ko itong tinignan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya bakit kailangan niyang sabihin iyon. Nakaramdam ako ng inis, hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggap.. Like seriously? Para namang kasing wala siyang kasalanang ginawa sa 'kin noon at ang lakas pa ng loob niyang ipagduldulan sa harap ng magulang namin. Pagkatapos nang pag iwan niya sa 'kin noon haharap siya sakin na parang hindi niya ko iniwanan. Hindi porket ang maayos ang pakikitungo ko ay madaling maibalik iyong dati. Lalo na ngayon, baka nga ginagawa niya lang ito para sa kompaniya!

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ