CHAPTER TWENTY EIGHT

738 51 2
                                    

Warning
This story contains scenes that might triggers you. Read at your own risk.

A/N:
Huwag niyo po akong aawayin. Hindi ko naman sinasadya ang mga nangyare! ^.^v And btw, may part sa chapter na ito ay may english, huwag n'yo kong i-bash if ever na meron akong wrong grammar, kindly correct me. I admit that I'm not good in English but at least I tried.💛✨

***

[28]
Maeve's Point of View

"GOOD MORNING." bati sa 'min ni Miss Izzy ng makarating kaming dalawa ni Tryton sa area namin.

"Good morning coach." sabay naming bati.

"I want to tell you that, today is the Championship." ngumiti ito. "In fact, dito nalang lahat gaganapin maging ang championship at hindi na sa LVA, nakapag meeting na kami about that at nag announced na sila kanina sa gym."

"Eh?" napatitig ako kay coach.

"Yes, pasensya dahil hindi ko kayo na inform agad na dapat 7:30 ang gathering sa gymnasium."

Napalingon ako kay Tryton, nagtitigan lang kami bago muling nag salita.

"Okay lang coach, I understand." sagot ko saka ako ngumiti.

"Mabuti naman kung gano'n. And by the way after championship will be the announcement of the quizbee result. What might the result is, atleast we do our job. Is that clear?" bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat namin.

"Yes, coach!" sabay tumango-tango kaming dalawa.

"Good! I'll go ahead, ngayon ang championship ng basketball. I'll text you later. See you around, guys." sabay labas ng room.

Naiwanan kaming dalawa ni Tryton na nakatayo habang sinundan ng tingin si coach.

"So, any plan for today?" tanong ko ng mailapag ko ang bag na dala ko.

"Hmm. Anong oras championship nila Ynnah?"

"Mga 10 ata." sagot ko.

"Nood tayo?" husestiyon nito kaya sumang-ayon ako.

Matapos naming mag usap ay inayos na namin ang mga gamit namin at ang loob ng silid na ito. Pagkatapos no'n ay dumeretso kami sa cafeteria para bumili ng snack na kakainin namin sa panonood ng championship ni Ynnah pero hindi ko lubos maisip na masisira ang umaga ko ng biglang may sumalubong sa 'kin ng sampal pagkalabas namin sa entrada.

"Ang kapal naman ng mukha mo!?" gulat akong napahawak sa braso ni Tryton na agad niya akong hinawakan at sinagang pa mga sampal na umulan sa 'kin.

"Umalis ka diyan, Tryton!"

"Who are you to dictate what I'm supposed to do!?" bigla niyang hinawakan ang braso ng babaeng sumampal sa 'kin.

"All of my life Tryton, I did everything to make you notice me! I followed you here but what did you do? It's always Maeve, what about me!?" inagaw niya ang braso niya saka niya sinampal si Tryton pero mabuti nalang at naka-ilag ito.

Napangiwi ako. "She's totally crazy, right?" bulong na tanong ko kay Tryton. Napatango lang ito.

Napatitig ako sa mukha ng babae. I got it, siya iyong babae noon sa picture na ipinasa noon nila Ynnah at siya rin iyong sa Starbucks.

"Tracey, tama na." sabi ng kasamahan nito. Napalinga ako sa paligid at talaga nga namang lahat ng mata ng mga estudyante maging ang mga staff ay nakatingin sa amin. Bakas sa mukha nila ang gulat at pagtataka dahil maging ako ay gano'n ang nararamdaman. Hindi ko magets, bakit kailangan maging ganito niyang gawin ito samantalang naman akong ginagawa sakaniya. Beside, hindi ko naman talaga siya kilala!

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now