CHAPTER FIVE

1.4K 153 41
                                    

[05]
Maeve's Point of View

MAAGA AKONG nagising dahil maaga rin akong nakatulog kagabi. Nakatulugan ko kasi ang sobrang pagbabasa kaya naman ngalay na ngalay ang likod ko dahil nakayuko akong nakatulog. Sino ba namang hindi makakatulog sa silid na ito, kahit kasi hindi masyadong malawak ang espasyo dito ay nakasalansan ng maayos ang mga libro malapit sa pwesto ng table ko. Sobrang aliwalas rin dahil sa ganda ng kombenasyon ng mga kulay. Tambayan ko ito simula pala noon hanggang ngayon. Ito rin kasi ang paborito kong parte sa bahay namin maliban sa kwarto ko.

Bago ako tumayo sa kinauupuan ko ay inunat ko muna ang braso ay hinilot-hilot ang leeg ko. Matapos iyon ay agad na akong dumeretso sa kwarto ko para mag asikaso at gumayak.

Habang naliligo, biglang pumasok sa isip ko ang usapan namin ni Tryton kagabi.

"Maeve." pag bigkas niya ng pangalan ko. Sa tono ng pananalita niya halatang kakagising lang nito.

Hindi agad ako nakasagot sa mga oras na 'yon dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sakaniya, mag aalala ba ako o mag wawalang bahala.

"Pwede kang pumunta bukas dito sa bahay, napaayos ko na iyong study room ko. Para maumpisahan na natin yung lesson plan."

Tanging na isip ko ng mga oras na 'yon, mas inuna niya pang isipin 'yung lesson plan kaysa sa kalagayan niya. Gusto ko sanang mag protesta kaso hindi naman pwede dahil may klase kami sa Monday kay Mister Camposano at mas lalong hindi niya alam na alam ko ang nangyare sakaniya.

Dumeretso ako sa kusina matapos kong mag ayos ng sarili ko. Nagsuot lang ako ng lose shirt na puti saka black na short, then nag sapatos lang ako na white. Kumain muna ako bago umalis dahil baka tamarin nanaman akong kumain mamaya.

Pagkalabas ko bahay, hindi ko inaasahan na may sasakyan sa labas ng bahay.

"Good morning po. Kayo po ba si Ma'am Maeve? Driver po ako ni Sir Tryton." nakangiting bati niya sakin.

"Yes po, bakit po?" iyon lang ang naisagot ko.

"Pinapasundo niya po kayo sakin." lumabas ito ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.

Mabilis lang ang naging biyahe dahil parang magkalapit na village yung village nila sa village namin.

Bago ako bumaba ng sasakyan at parang namalikmata ako dahil parang nakita ko ang kotse nila mommy gayon paman ay hindi ko iyon pinag tuunan ng pansin sa halip, dumeretso akong papasok ng gate ng bahay nila Tryton. Hindi na ko nag doorbell, gusto ko na agad makita kung okay na ba siya dahil sobra din kasi akong naaalala sa kalagayan niya.

"Good morning po." bati ko sa yaya nila Tryton na naabutan ko nagpupunas ng hagdan.

"Hello hija, ikaw ba si Ma'am Maeve? Nasa 3rd floor yung kwarto ni Sir Tryton." mahinahong anito.

Napahawak ako sa batok ko dahil mukhang expected nang lahat na pupunta ako dito?

Ang weird.

Habang naglalakad papaakyat sa palapag kung nasaan ang kwarto ni Tryton, pero agad akong napaatras at halos atakihin ako sa puso nang bigla kong makita ko si Tryton na naka tayo habang naka sandal sa pader sa gilid ng hagdanan malapit sa may kwarto.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now