CHAPTER TWENTY THREE

826 80 24
                                    

Maeve's Point of View

KASWAL LANG naman ang nangyare buong week, nanood ako ng laro ni Ynnah. Pero hindi na ulit kami nakapag bonding pang muli sobrang busy sila dahil malapit na ang finals.

Tatlo araw na ang nakalipas ng makapag usap kami tungkol sa Boracay. Mamayang hapon na rin kasi ang alis namin, sa totoo lang medyo excited ako dahil gusto ko talagang makapag pahinga and I love beaches lalong lalo na sa mga white sand. Madami na kong napuntahan na beach dito sa pilipinas pero ang Boracay ay ngayon lang mapupuntahan kaya naman hindi na talaga ako nag propesta ng sabihin nila iyon. Lalo na ngayon, kasama ko pa si Tryton, sobrang na miss ko iyong ganitong moment.

"Maeve, are you ready?"

Biglang pumasok si daddy sa kwarto ko, ako naman ay maabutan niya pa ring nakahilata sa kama ko.

"Why are still in bed?" medyo sumama ang hulma ng mukha nito.

"Mamaya pa naman ang alis namin, dad." protesta ko.

"It's already seven thirty am in the morning, Maeve! Ten am ang alis nyo."

"Huh?" bigla akong napaupo at tinignan ang wall clock.

"Wala naman kasi kayong sinabing umaga pala, dad!"

"Fix your self, Move! You're so lazy na, huh?" ngumiwi si daddy sa akin. "Go move, Tryton is on his way." anito bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Nagmadali akong mag asikaso ng sarili ko, naayos naman ang luggage ko, kagabi palang ay nilagay ko na ang mag kailangan kong gamitin like, amenities, personal needs etc.

Nagmadali na rin akong maligo at magbihis, sa dinami-rami ng damit ko puro dress at biniki lang ang dinala ko. Excited na rin ako kung sino iyong ipapakilala ni Kuya na girlfriend niya, feel ko talaga si ate Megan talaga iyon eh. May pa-suspense pang nalalaman.

"Ingat kayo ha?" sigaw ni mommy ng mailagay ang mga bahagi namin sa likod ng compartment nitong sasakyan.

"Yes, mom. We will." nagbeso ako sakaniya at hinalikan ako nina daddy at Kuya sa noo.

"See you in tomorrow, bab.. sis. Hindi na nga pala ikaw ang baby ko." humalakhak ito, hindi ako sumagot sa halip ay inirapan ko lanb ito.

"Enjoy bro!" maawtoridad na ani Kuya sabay tapik nito sa balikat ni Tryton.

"Ingatan mo mga anak ko ha?" ani daddy na sumilip pa kay Mang Ernesto na driver ni Tryton.

Binuksan ni Tryton ang pintuan ng kotse saka ako pumasok sa loob at sinarado iyon. Akala ko ay sa unahang bahagi siya mauupo pero mali pala ako dahil tinabihan ako nito.

"Alis na po tayo, Manong." ani Tryton na agad itong sinunod ni Mang Ernesto. Tinanaw ko sina mommy sa bintana, kumakaway sila saamin bigla tuloy akong napangiti.

"I saw your excitement, honey." bigla akong natigilan sa sinabing iyon ni Tryton, hindi ko alam kung tanong ba iyon o pang aasar.

"Matagal na this hindi nagawa 'to nang magkasama." tanging nausal ko at ngumiti ito sa 'kin.

Sumandal ang ulo nito sa may headrest at ngumiti. Nakunot noo naman ako sa ginawa niya feel ko may iniisip siyang hindi maganda.

"Anong nginingisi-ngisi mo?"

"You will see."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Hindi na ako naka sagot, pumihit lang ito ng tingin sa akin at todo ang ngiti. Sinamaan ko lang ito ng tingin bago umiwas ng tingin.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now