CHAPTER THREE

1.9K 187 131
                                    

[3]
Maeve's Point of View

NATIGILAN KAMING pareho nang muling umalingawngaw ang boses ni Mister Camposano sa buong pasilyo. "Alam kong alam ninyong dalawa na bawal ang public displays of affection dito sa loob ng campus lalo na during class hours!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyong ni Mister Camps. Kailan pa naging PDA 'yon gano'n? Kulang nalang masakal ko si Tryton sa sobrang inis!

"We're just talking." mahinahong sagot ni Tryton.

"Mukha ba kong bulag para sa 'yo, Mister Carter?!" galit na tanong ni Mister Camposano.

"No, hmm. Maybe if being a malicious, yes?"

Pasiring akong lumingon kay Tryton. "Will you shut up!?" inis kong tinakpan ang bunganga nito pero agad ko ring tinanggal. "Pasensya na, Mister Camposano." ako ang nagbaba ng tingin at pride dahil sa inasal ni Try.

Halos sumama ang timpla ng mukha ni Mister Camposano sa sinabi na iyon ni Tryton. Agad na hinawakan ni Mister Camposano ang braso naming pareho saka kami hinila pumasok sa loob ng room.

"Announcement!" inis na bulalas ni Mister Camposano bago nito bitawan ang braso namin pareho.

"Starting tomorrow until the end of this semester, the two of them will be your lecturers in this subject. Is that clear?" halos maglabasan ang ugar nito sakaniyang leeg maging sa may sentido.

"Yes, Mister Camposano." sabay sabay na tugon ng buong klase. Sinamaan ako ng mukha noong dalawa kong kaibigan.

"Okay. Dismissed!"

Nanatiling walang kumikibo ang lahat matapos lumabas si Mister Camposano. Napalingon ako sa mga kaklase ko at parang maging sila ay hindi makapaniwala sa mga nagaganap. Si Tryton naman ay walang bakas na kahit anong emosyon sa mukha niya.

Padabog akong naglakad papunta ng upuan ko. Mga ilang minuto pa ay bigla nang tumunog ang bell. Si Tryton ay bumalik na rin sakaniyang upuan, ang dalawa ko namang katabi ay hindi umiimik, pulos bugtong hininga lang ang naririnig ko mula sakanila.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa si Miss Celeste na lecturer namin Oral Communication, napagdesisyunan kong yumuko nalang muna sa arm desk at sa pagkakataon na iyon ay hindi ko akalaing makakatulog pala ako sa mga oras na 'yon.

"Miss Montarde!" nagising ako ng biglang may sumigaw ng apleyido ko, hindi lang dalawang beses kung hindi ay apat na beses bago ako bumalik sa wisyo.

"Kanina ay nag reklamo sa faculty si Mister Camposano sa ugali mo, Miss Montarde. Well, kung sakaniya umubra 'yang pagkabastos mo, pwes sakin ay hindi! Stand up!" halos malaglag ang panga ko sa pagkagulat.

"Nandito na pala siya, ba't hindi man lang ako ginising ng dalawang 'to!" bulong ko sa isip ko sabay lingon sa kanila pero hindi sila nakatingin sa gawi ko.

"Stand up!" sigaw pa niya kaya tumayo nalang ako, dahil wala akong choice.

"What is Oral Communication in context?" tanong niya.

Hindi pa man ako nakakasagot, para na akong malulusaw dahil lahat ng paningin ng mga kaklase ko ay na sa akin.

"Hmm.. Context in communication refers to the surrounding physical environment and the framework of related facts and events within which a communication takes place." pinilit kong hindi pumuyok saka ako bumalik sa pag kakaupo.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon