CHAPTER NINETEEN

1K 110 28
                                    

[19]
Maeve's Point of View

MAAGA AKONG nakarating sa school ngayon, may call time kami dahil ngayong araw na ang opening ng intramurals. Medyo pagod pero kinakaya naman namin dahil sa totoo lang nong mga nakaraang araw naka focus talaga kami ni Tryton sa pag aaral ng sabay at maging si coach at todo practice sa 'min. Ayaw naming matalo dahil kasama ang school namin sa mga competitive kaya kailangan this year kami naman ang makahawak ng titulo.

"Intramurals na!" rinig kong sigaw ng mga kababaihan habang naglalakad ako sa hallway.

Sa totoo lang hindi ko maiwasang hindi ma-excite dahil ito ang event na hinihintay ng lahat. Kahit medyo kinakabahan na ako ay pinilit kong maging kalmado dahil ang sabi ni coach Izzy, huwag kaming magpapadala sa kaba. Just relax and go with the flow.

"This is it." suminghot ako ng hangin, maglakad palang sana ako papasok ng department hall nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Maeve, right?"

Agad akong napalingon sa pinanggalingan na boses na iyon. Nanliit ang mata ko sa babaeng nakita kong nakatayo sa kabilang dulo ng hallway naka cross armed ito at deretsong nakatingin sa akin. Familiar ang mukha niya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya na kita noon. Hindi siya estudyante dito base sakaniyang suot na uniporme lahat makakalaban ko 'to sa quizbee obvious naman dahil halos lahat kasi ay naka civilian, tanging quizbee participants lang ang naka uniform.

Wala akong ganang tinignan ang babaeng 'yon mula ulo hanggang paa.

"Hmm, yes? May kailangan ka?" lumapit ako sa babae. Nakita ko iyong lace ng ID niya, mukhang taga Fiat Lux Academy ang isang ito.

"So, ikaw nga iyong Maeve?" sarkasmo itong ngumiti at gaya ng ginawa ko sakaniya kanina ay tinignan niya rin ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi naman kagandahan."

"Huh, excuse me?" nangunot noo ako sa sinabi ng babae. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon, hindi ko naman siya kilala pero kung makahusga siya ay akala mo kilala niya ako. Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng isang 'to!

"Hindi ko akalain ikaw pala iyong babaeng kinababaliwan niya." anito sabay akmang tatalikuran ako pero agad kong dinakma ang braso niya.

"I don't know what you are saying, Miss." pinilit kong maging kalmado kahit gusto ko ng upakan ang isang 'to.

"How dare you?!" nanlaki ang mata ko ng bigla ako nitong itinulak.

"Don't touch me!" hinablot niya ang buhok ko saka ako nitong pinag sasabunutan. "Akala mo naman sobrang ganda mo!"

Wtf! Anong problema ng isang 'to?!

"Sino sa tingin mo ang kinakalaban mo?! Huwag mo ko kong ma-how dare you, baka nakakalimutang mo dayo ka lang sa school na tinatapakan mo ngayon!" inis na saad ko at bigla ko itong itinulak iyong sakto lang ang lakas kaya naman hindi ko akalaing matutumba siya sa ginawa ko.

Inis ko itong tinignan, wala akong pakialam kung madami nang mata ang nakatingin sa amin, hindi naman ako ang nagsimula sa gulong ito. Nasa teriteryo namin siya, tapos makaasta siya akala mong dito siya ang aaral, samantalang dayo lang naman. Kapal ng mukha, walang hiya. Ang dami na tuloy mga matang nakatingin sa amin. Gusto ko silang lingunin isa-isa pero nakaramdam ako ng kahihiyan, dahil panlaban kaming pareho sa quizbee tapos ganito pa ang inabot namin.

"Maeve!" napalingon ako nang mangibabaw ang boses ni Tryton. Humahangos itong lumapit sa akin at saka hinawakan ang mukha ko.

"Anong nangyare, ano gina... " hindi na nito na ituloy ang itatanong niya dahil biglang yumakap sakaniya iyong babaeng nanabunot sa akin. Nagulat at nagtaka ako kung bakit kanina ay wala man lang magulo sa itsura nya ngayon ay halos pareho kami ng kalagayan dahil kusot kusot ang damit at buhok niya.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now