CHAPTER FOURTEEN

1.1K 115 97
                                    

[14]
Maeve's Point of View

NAKALIPAS NANAMAN ang ilan pang mga araw. Simula kasi ng malaman namin na kami ang magiging representative ng quiz bee ay mas lalo akong naging aligaga sa pagbabasa ng kahit anong klase ng libro. Pinatawag kami sa faculty kahapon, kinausap kaming pareho ni Miss Vema at ang sabi ay mas mabuti daw kung sabay kami mag aral. Dahil bukas nga raw ay ipapakilala samin kung sino ang magiging coach namin.

Araw araw laging kung tinatanong ang sarili ko bakit kailangan kami pa? Simula kasi ng matapos ang acquaintance party ay madami na ang nag aasar sa amin, lalo na tuwing nagkakatinginan kami, pag nag kakatapat kami, at madalas siya rin ang nagiging pair ko sa ibang activities. Lagi kaming tampulan ng tukso sa classroom. Ang iba tawag nila samin newest love team. Kinikilig ang karamihan sa classmates namin at may iilang against sakin para kay Tryton. Pero syempre, wala akong pakialam. Gumagawa sila ng sarili nilang conclusion tapos sila yung galit? Wow.

"Hoy! Bakit ba laging ang lalim ng iniisip mo?" bigla akong hinampas ni Ynnah sa braso.

"Aray!" inis ko itong ginantihan. "Inaano ba kita?"

"Hindi ka kasi nakikinig, kanina pa ko kuda nang kuda dito!" inirapan niya ko. "Anyway," panimula niya ulit. "Nakakatawa mga classmates natin 'no?" nakangising dagdag pa nito.

Bipolar amp.

"Anong nakakatuwa doon?!" sumama bigla ang mukha ko.

"Wala, ang pangit mo ka-bonding. Bwesit ka!" inis na singhal niya saka niya tinuloy ang kinakain niyang siopao.

Hindi na ako sumagot dahil maging ako ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon.

Kasalukuyan kaming nasa canteen, kakatapos lang ng klase namin sa oral communication kaya may 15 minutes break kami.

"Nakita mo ba si Zyrine?" tanong ko kay Ynnah bago sumipsip ng cultured milk.

"Ewan, sabi niya mag babanyo lang sya." walang ganang sagot nito saka ito bumaling sakaniyang cellphone.

"Oh, bakit parang ang tagal naman?" sa tanong ko iyon ay bigla kaming napatitig sa isa't isa.

"May napapansin kaba kay Zyrine?" pumustura ito na animo nag iisip nang kung ano.

"Hmm. Noong una oo, remember nung magkasabay sila ni Try? Akala ko may something between them pero parang wala naman" paliwanag ko.

"So, nagselos ka nga that time?" napangisi ito.

"Bwesit ka, si Zyrine ang pinag uusapan na 'tin!" inirapan ko ito. "Eh, ano naman kung nagselos ako?!" sarkasmo akong tumingin sakaniya.

"Wala naman. Napaka defensive mo!" pinandilatan niya ako ng mata. "Pero mabalik sa usapan, hindi kaba nag tataka minsan na lang sumabay satin. Ako ang madalas niyang kasama pero bakit parang biglang nag-iba? Tapos lagi na siyang late pumasok." ngumiwi ang bibig nito habang nakatingin sa kung saan.

"Malay ko, 'di ko naman napapansin. Baka busy lang iyon sa photo both, huwag kang masyadong over mag isip." sagot ko dito.

Natahimik ito ng ilang segundo pero bigla niyang naihampas ang parehong kamay sa lamesa dahilan para magtinginan ang ibang estudyanteng narito.

Anong problema ng babaeng 'to?!

"Ang manhid mo kahit kailan 'no?" inirapan ako nito. "Napansin ko kasi simula noong nang maisip nila ni Drake iyong photo both na 'yon lagi syang aliligaga, parang talagang may something." dagdag niya pa pero tinitigan ko lang ito at hindi na ko sumagot pa.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon