EPILOGUE

798 25 22
                                    

ILANG TAON na ang lumipas, nakagraduate na sila Ynnah at Zyrine sa college

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ILANG TAON na ang lumipas, nakagraduate na sila Ynnah at Zyrine sa college. Ang balita ko, si Ynnah ay nandoon pa rin sa shop ni Kuya, siya ang ginawang kanang kamay nito dahil kahit pa malakas ang bunganga nito ay may tiwala sakaniya si Kuya Kendrick. Ang totoo pa ay nagagamit niya ang pag bubunganga niya sa shop dahil madali siyang maka attract ng customer. Si Zyrine naman, ayon kahit pa nagkaroon nang anak, ay pinatuloy niya ang pagiging nurse sa ibang basa. Sina Tracey at Cindy dinala noon sa DSWD dahil sa ginawa nila. Pero ngayon, nag file na ng case sila Tita Yanara at Tito Augustine sakanila. Ako, ito hindi tinapos ang pag aaral dahil mas pinili ko na lang pag aralan ang pagpapatakbo ng kompanya nila Tryton. Tinuon ko ang lahat ng oras ko doon para lang may mapag buntunan ako ng oras ko. Noong una, hirap na hirap ako dahil naghahalo ang sakit na nararamdaman ko nang nawala si Tryton at ang hirap maging business minded. Pero sa huli, nakuha ko na rin at mas lalong gumaling ako kaya naman hangang-hanga ang pamilya ko maging ang pamilya ni Tryton dahil sa akin nila pinagkatiwa ang kompanya nila.

"Maeve," natigilan ako sa pag iisip nang marinig ang boses na 'yon ni Kuya. Tulala akong nakatingin sa malayo. "You are not listening."

Napabuntong-hininga ako. Bumaling ako ng tingin kay Kuya, kasalukuyan itong nakaupo sa may itim na couch sa harap ng table ko dito sa office. May bitbit itong pagkain, at may hawak na maliit na sobre.

"Kumakain naman ako tamang oras, Kuya." ngumiwi ako sakaniya. "Beside, nag hire naman kayo ng sarili kong cook, bakit mo pa ko dinadalhan ng pagkain?" awtomatiko akong nguso sa hawak niya.

Tinaasan niya ako ng kilay, "What?" natawa ito. "Do you think dadalhin kita ng pagkain? No. It's for, Megan. Dumaan lang talaga 'ko dito para ibigay sa'yo ito." sabay abot sa akin nang maliit na sobre.

"What's this?" nagtataka ko itong tinignan.

"Galing 'yan kay Tryton before. Binigay niya 'yan sa 'kin noong panahong nag aagaw buhay siya." napatingin ako kay Kuya, pakiramdam ko ito nanaman 'yong sakit sa puso ko. "Sabi niya kasi, ibigay ko ito sayo pag naka move-on kana." natulala ako kay Kuya Kendrick. Hindi ko nagawang magsalita ramdam ko sa mga mata ni Kuya na pati siya ay nasasaktan dahil nakita niya muling namuo ang mga luha sa mata ko.

Binaba niya ang hawak niyang pagkain at lumapit ito sa 'kin. Mahigpit niya akong niyakap, doon tuluyang pumatak ang mga luha ko.

"Sorry if I hide it for so long, Maeve. I also don't want to disobey him, baka hindi niya ako patulugin gabi-gabi."

Naiintindihan ko naman si Kuya Kendrick, pero ang hindi ko ma intindihan e, yung nararamdaman ko. Ito nanaman yung pakiramdam na sobrang sakit. Pakiramdam ko nag sisink in nanaman sa akin 'yong panahon kung paano ako na depressed at umaasa na babalik pa siya.

Gabi nang matapos ako sa pag pirma ko sa mga papelis na binigay sa akin ng secretary ko. Napahilot ako sa aking braso at leeg, agad na tumama ang paningin ko sa maliit na sobre. Sa totoo lang, takot akong buksan iyon. Takot akong malaman kung ano ang laman o sulat mula doon.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now