CHAPTER TEN

1.1K 131 47
                                    

[10]
Maeve's Point of View

NAKAILANG KANTA na at walang humpay pa rin ang pag sayaw ng karamihan. Nakaramdam ako ng pangangalay ng binte kaya napagdesisyunan naming na bumalik sa pwesto.

Gumuhit sa mukha ko ang saya ng makita may pagkain na roon. Nang makaupo ako ay sinundan ako nina Ynnah at Zy maging sina Tryton at Sean ay bumalik sa rin kani-kanilang pwesto.

"Nakakailang sayaw palang tayo, pagod kana agad?" pang aasar ni Ynnah sa 'kin.

"Eh ano naman?" sabay abot ko ng canapé, ang daming klase ng appetizer pero canapé pa rin ang pinakagusto ko.

"Mukha kang pagkain, tapos 'di ka naman tumataba." dagdag na pang aasar ni Ynnah.

"Tsh, umayos ka nga Ynnah. Kung gusto mong sumayaw, 'di sumayaw ka pa." iritang sabi ko.

Nakatingin sa 'min sina Sean at Drake. Dahil sa kagagahan ni Ynnah ay pinagtawanan nila kami. Iling-iling na lumapit sa gawi ni Ynnah si Drake.

"If you don't mind, can I take you to the dance floor and dance?" yaya ni Drake bago inalok ang kaniyang kamay kay Ynnah, natatawang niyang tinanggap ang kamay nito.

"Tara Zy, sayaw na rin kita. Maiwan muna namin kayong dalawa." ani Sean at tinggap ni Zy ang alok nito.

Napabuntong hininga akong tumingin sakanila.

"Ok." tanging naiusal ko.

Medyo naging soft ang lightning at kakaunti nalang din tao sa dance floor karamihan kasi ay nagkakainan na.

Now Playing: Stick With You by Pussycat Dolls

Pinapanood ko sila sa dance floor habang kumakain. Tinanaw ko si Kuya at masaya itong nakikipag usap kay Dean Monreal. May lumapit sakanila waiters at dinalhan sila ng makakain. Mukhang enjoy na enjoy siya sa pagiging guest.

"Hmm." natigilan ako sa pag nguya ng maalalang kaming dalawa pala ni Tryton ang naiwan dito sa table.

"Ikaw pala iyong kapatid ni Kendrick?" bigla akong nabulunan sa tanong niyang iyon.

Maka-Kendrick sya, feeling close!?

Kumuha ako ng isang basong tubig at tinungga iyon bago muling nagsalita.

"Oo, bakit? May problema ka ba?" tinaasan ko ito ng kilay.

"So, you are the daughter of Kenon and Maureen Montarde?" parang naguguluhan ang mukha nito, maging ako ay hindi makapaniwalang kilala niya sila mommy. Hindi ako nakapagsalita at tumango lang ako habang nakatitig ako sakaniya.

Pano niya naman nakilala ang parents ko?

"Okay, ladies and gentlemen.. You can go back to your seat." hindi na natuloy ang usapan namin ni Tryton dahil biglang bumalik sina Ynnah sa upuan at bigla ring nagsalita sa microphone si mamang. Gustuhin ko mang magtanong pa kay Tryton kaso ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung pano ko sisimulan.

Bigla akong naguluhan, pano niya ba nakilala si mommy at daddy tapos kung makapagtanong siya kay kuya Ken parang kilalang kilala niya ito.

It's confusing me, how's he even know.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now