CHAPTER THIRTEEN

1K 120 17
                                    

[13]
Maeve's Point of View

ILANG ARAW na rin ang lumipas at wala pa ring nagaganap na pansinan sa pagitan namin ni Tryton. Medyo iwas rin ako kay Zyrine dahil medyo nag iba ang pakikitungo niya, feel ko lang naman.

Time kasi ng PE namin at wala si Mister Ryan Gregor na lecturer namin. Instead kasi na mga aerobic exercise ang gawin namin ay naging volleyball.

Kasalukuyang naglalaro ang team namin at team nila Jennie, sila ang nasa court ako naman ay nasa gilid ng team at nakikipag usap ako sa mga ibang classmate namin. Pinag uusapan kasi namin ang tungkol sa darating na intramurals at excited sila sa mga player ng iba't ibang academies and universities.

"Girl, madaming fafa!" sabi ni Antonio na kaklase naming bakla.

"Oo, Maeve. Malay mo nandon na si Mr. Right, 'di ba bakla?" pahampas niyang tinawanan si Antonio.. Napatawa nalang ako dahil parang same vibes si Ynnah at itong si Gia.

"Maeve, iwas!" na gulat nang biglang sumigaw si Tryton. Bigla ako nitong hinila at napatumba kami sa floor nitong gymnasium.

What the ef!

Napaibabaw ako kay Tryton dahil sa lakas ng paghila niya, pareho kaming na-out of balance at sobrang awkward ng posisyon namin. Pakiramdam ko tuloy nag slow motion ang buong paligid ng magtama ang paningin namin pero agad rin iyong naputol ng biglang sumigaw sina Ynnah at Zyrine.

"Yawa ka, Jennie!" patakbo silang lumapit sa gawi namin.

Nagmadali akong tumayo ng may maramdaman akong kakaiba. May kung anong  nakaumbok sa may bandang hita ko. Pakiramdam ko tuloy namumula ang buong ko mukha dahil sa sobrang hiya.

Shit.

"Maeve, okay ka lang?" alalang tanong ni Ynnah habang hinawakan ang ulo ko. "Parang tanga ka tumira! Nananadya kaba?!" baling nito kay Jennie.

"Kung may problema ka kay Maeve, prangkahin mo. Hindi iyong ganito, kitang kita ko 'yon sinadya mo!" sigaw ni Zyrine.

Lumapit ito sa 'kin habang hawak hawak ang kaniyang siko, agad ako naman agad ako nakabaling doon.

"Okay lang ako, hindi naman ako natamaan. Thank you." sagot ko sakanila.

Tinignan ko ang itsura ni Jennie, kinunutan ko lang ito ng noo dahil sa ekspresyon ng mukha ay parang wala lang sakaniya. Pano kung natamaan ako ng bola? Baka ngayon bungal na ko dahil sa sobrang lakas, pwede akong mapasubsob ako sa bench. Semento pa naman.

Hays!

Napabuntong-hininga na lang ako dahil gustihin ko man itong patulan ito pero hindi ko na nagawa dahil mas natuon ang atensyon ko sa braso ni Tryton. Hindi na ko nag paligoy-ligoy pa, hinila ko ang kabilang kamay ni Tryton papalabas ng gym at doon ako muling nagsalita.

"Tara sa clinic." sabi ko pero hindi ako nakatingin sa mga mata nito.

Nang marealize ko na nakahawak pa ako sa kamay nito ay agad kong tinggal ang mga iyon.

Maglalakad na sana ako para mauna sa clinic nang bigla niyang hawakan muli ang kamay ko at hinila ako papalapit sakaniya. Sa ginawa niyang iyon ay bigla akong nawalan ng balanse kaya naman napayakap sakaniya at talagang nasubsob ang mukha ko sa dibdib nito.

"Don't be so worry, galos lang ito." bigla niyang hinaplos ang ulo ko. "Thank you."

Hindi na ko nakapagsalita, para akong na istatwa ako ginawa niya. Hinayaan ko siyang haplos-haplusin lang ang buhok ko.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now