CHAPTER TWO

2.5K 196 182
                                    

[2]
Maeve's Point of View

ILANG LINGGO na ang lumipas na parang wala lang. Hindi kami masyadong nagpapansinan ni Tryton kahit pa magkatabi kami sa upuan. Ayaw ko rin naman kasi maging uncomfortable lalo na walang alam sila Ynnah at Zyrine sa kung ano ba ang meron saamin ni Tryton.

Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko habang nakatingin ako sa sarili kong repleksyon habang sinusuklay ang medyo mahaba kong kulay-kape na buhok. Hindi kasi mawala sa isip ko ang itsurang iyon ni Tryton. For how many years nalumipas, ni-hindi man lang siya nagsabi na aalis siya noon, tapos ngayon humaharap siya sakin araw-araw na parang wala lang. Gusto ko magalit na matuwa, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil naghahalo ang mga emosyon ko. Gusto kong ipakita sakaniya na masaya ako na hindi ako apektado sa presensya niya. Sa totoo lang, gusto ko siyang saktan physically dahil sobrang sakit noong panahong halos i-give up ko na ang mundo na hanggang naandito pa rin yung sakit na iniwan niya.

"Hmm. Mukhang ang lalim ng iniisip ng baby namin ah?" napalingon ako sa may pintuan ng kwarto ko ng marinig ko na boses iyon ni mommy. Kasama niya si daddy na pumasok sa kwarto ko.

"Anong gumagambala sa 'yo anak, wrong timing ba kami ng mommy mo?" nag aalalang tanong ni daddy.

"Hindi naman, dad. Nagsusuklay lang naman." sagot ko bago ako bumalik sa pagsusuklay ng buhok.

Lumapit sa 'kin si daddy, napahinto ako sa pagsuklay ng buhok ko dahil pumihit ako ng tingin sakaniya. Deretso siyang nakatingin sa mga mata ko, ako naman ay napangiti lang kaya bahagya niyang ginulo ang buhok ko.

"Anak, hindi naman sa pinapangunahan ka namin." gulat akong napalingon kay mommy ng bigla itong lumapit sa gawi namin ni daddy.

Kinuha niya ang suklay sa kamay ko at saka iyon hinagod sa buhok ko. Sa totoo lang, naguguluhan na ko sa kilos nila, hindi sila ganito sa 'kin unless nalang kung may sasabihin o kailangan sila sa 'kin.

"Oo nga anak, kasi nakausap namin ang business partners namin sa company kanina." napatitig ako kay daddy. "And they have an idea and we're agreed." he continued.

Inosente akong tumingin sakanila. "What kind of agreement is that, daddy? Kung makakatulog sa company, okay lang naman rin sa 'kin." ngumiti ako, ilang minuto pa ay napawi agad ang ngiti na iyon dahil bigla silang naging tahimik at nagkatitigan silang dalawa ni mommy.

"Hmm, what's wrong?" naguguluhan akong tinignan pareho ang reaksyon nila.

"Ano kasi anak.. Sila kasi yung malaking part sa company and we decided that we don't participate in the operations but we are in into liability." napangiwi ako sakanila dahil hindi ko makuha ang gusto nilang sabihin sa 'kin.

"Dad, sabihin n'yo na nalang nang deretso sa 'kin. Wala kasi akong maintindihan kahit i-explain nyo pa 'yan isa-isa. I'm not that kind of business minded dad. Baka si Kuya, makuha agad sasabihin n'yo, pero ako kasi ay hindi." sa sinabi kong iyon ay saglit silang natahimik pareho.

Bakas sa mukha ni mommy ang kaba at hindi ko maintindihan kung bakit. Si daddy naman ang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Gumawa sila nang kasunduan. We're not going to participate any operation but we are still invest in the company with the promise of a return on their investment. At para mas lalong ma-secure ang both parties, we are risk the chance.." paliwanag ulit ni daddy.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now