CHAPTER SEVEN

1.2K 139 29
                                    

[07]
Maeve's Point of View

SIKAT NA ang haring araw nang gising ako. Hindi kasi naging maayos ang tulog ko dahil sa kakaisip kung anong mangyayare sa acquaintance party bukas.

Nakarating ako ng skwelahan, ihahakbang ko palang ang paa ko hagdanan ay biglang tumunog ang bell kaya naman nagmadali akong umakyat. Nakakainis lang dahil first time kung malate tapos pang forth floor pa ang classroom namin.

Mabuti na lang pagkarating ko sa room ay wala pa si Miss Emanuel, lecturer namin sa Media and Information Literacy. Pagkapasok na pagkasok ko sa pintuan ay umaalingangaw ang boses ni Ynnah.

"Wow ang Miss Montarde ay na-late?" ani Ynnah ng mapansin niya ang presenya ko.

Napayuko lang ako dahil first time ko talagang ma-late at napaka pangit talaga sa pakiramdam lalo na ngayon, pinagsigawan pa ni Ynnah.

Nagmadali akong maglakad papunta ng pwesto ko, pero bago ako umupo ay pasimple akong tumingin sa pwesto ni Tryton, nakatingin lang ito sa 'kin pero walang ekspresyon ang mukha nito.

Pumasok na si Miss Emanuel, nag simula na itong mag discuss. Habang nasa kalagitnaan na kami ng discussion ay bigla naman akong nawala sa focus, bigla nanaman sumagi sa isip ko mung anong mangyayare para bukas.

Bigla tuloy akong napangisi pero agad iyong nawala ng mapansin iyon ni Ynnah.

"Okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Ynnah.

"Huh?" napaiwas ako ng tingin.

"Ikaw ang napapano?!" umirap ito. "May saltik ka na ba sa ulo at tumatawa ka mag isa d'yan samantalang wala namang nakakatawa sa sinasabi ni Miss!"

"Tsh!" umirap ako. "Mind your own business, may naisip lang ako!"

Napatapos na pang umagang klase at pulos aktibidades nanaman ang nangyare. Dumeretso kami nila Ynnah at Zyrine sa canteen, habang nasa pila sa may counter ay luminga-linga ako sa paligid dahil hinahanap ng mata ko si Drake.

"Bukas na pala ang acquaintance party." naliligayang ani Ynnah animo may iniisip na magandang mangyayare sakaniya sa darating na party.

"May mga partner na ba kayo?" dagdag pa nito sabay hawak sa braso namin ni Zyrine.

Pekeng tumawa si Zyrine, "Wala pa." sabay itong tumingin sa 'kin at ngumiti.

"Feel ko nga may kasama na si Maeve na magsosolo flight sa party." sa sinabi niyang iyon halos hindi mawari ang mukha ko naming pareho ni Zyrine, pero ang hindi nila alam na may kapartner na ako.

Napa-iwas ako ng tingin sa kanila, ayaw kong malaman nila na may partner ako, balak ko sanang ipaalam sakanila pag mismong acquaintance para doon ko nalang sana ipapakilala. Proud ako sa self ko dahil ganito pala iyong feeling na may ipagmamalaki ka na partner. Noon kasi ako ang laging out of place sa dalawang 'to, pero ngayon masasabi kong hindi na.

Hindi na natuloy ng usapan namin dahil kami na ang susunod sa counter. Pumili kami ng kakainin bago umorder. Nang ma i-serve na sa 'min ang order namon ay naghanap kami ng lugar. Habang nag hahanap ako ng pwesto ay biglang umupo ang dalawang bruha sa table na kinakainan ni Tryton. Aminin ko man o sa hindi, kahit nakatalikod ito ay alam kong siya iyon base sa buhok at hulma ng katawan niya.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now