CHAPTER TWENTY FOUR

776 80 14
                                    

[24]
Maeve's Point of View

NAGISING NALANG ako sa pagkakatulog ko nang biglang may kumatok sa pintuan. Pagkatayo ko ay doon ko lang napagtanto na hindi na pala ako nakapag palit ng damit dahil sobra akong napagod sa biyahe at pagsalansan ng mga gamit ko.

"Room service." nag kumatok ulit ito ng tatlong beses kaya nag madali akong buksan ang pintuan na iyon ang bumungad sa 'kin si Herself.

"You are Ma'am Maeve, right?" tanong nito at napatango lang ako bago nagkusot ng mata.

"Sir Carter, wants to give you this." sabay abot sa 'kin ng hindi kalakihang paper bag.

"He's waiting for you Ma'am. Thank you ma'am, enjoy." sabay talikod sa 'kin.

Nanatili akong nakatulala sa kung saan. Pakiramdam ko hindi pa ko nahimasmasan sa pagkakagising ko at ganito na agad ang bumugad sa 'kin

Ano 'to?

Nagmadali akong buksan ang paper box at bumungad saakin ang slim red dress na sobrang nipis ng strap. Ibababa ko na sana ang paper bag ng biglang may nalaglag na maliit na papel, agad ko binaba ang paper bag saka ko pinulot iyon at binasa ang nakasulat.

💌 Wear this dress, honey. See you at front beach. — From your honey, Tryton♥.

"Anong pakulo nanaman 'to?" tanging na sambit ko.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili habang naliligo, kahit medyo mainit na tubig ang dumaloy na tubig sa buong katawan ko pero pakiramdam ko nanlalamig talaga ako. Kung anu-anong mga bagay ang nabuo sa isipan ko. Hindi ko alam kung tama ba ang mga iniisip ko, knowing Tryton. Hindi basta basta lang ang mga naiisipan niyang surpresa.

Nang matapos ako ay agad kong kinuha ang paper bag at isinuot iyon.

Napatitig ako sa sarili ko, sobrang hubog na hubog ang katawan ko. Lumabas ang cleavage ko at hindi ako makapaniwalang ganito ang pakiramdam ko noong acquaintance party namin.

Napapikit ako at humugot ng malalim na hininga bago ako lumabas ng room. Luminga-linga muna ako bago tuluyang tumungo pumunta sa front beach. Bago ako makarating ay syempre agaw atensyon ako sa mga tong kumakain sa may labas.

"Mygad, ano ba kasing pautot ito Tryton!" tanging nai-usal dahil sa sobrang hiya.

"Ang ganda mo Miss." sabi ng isang staff napangiti lang ako sa sobrang hiya daig ko pa ang a-attend ng party.

Habang papalakad ako sa may buhanginan, may natanaw agad akong may nak set -up na table. Papikit kong lumapit sa gawing iyon ni Try, ganoon nalang ang mangha ko sa nasaksihan ko. Sobrang ganda ng ginawa niya. Tanaw na tanaw ko ang dagat, at mga lights na nabubuo dahil sa madilim na.

Malapit ako sa dagat kaya parang gusto ko ng lumangoy agad agad, kaya lang syempre dahil pagod ako ay hindi ko na naenjoy ang pag dating namin rito. Habang tuwang tuwa akong pinanonood ang nag pa-fire dancing sa harap ko, may mga nagsasayawan sa ilalim ng tent, at may mga nag iinuman.

"Don't tell me na nakalimutan mo?"

Nagulat ako biglang sumulpot si Tryton sa likuran ko.

"Huh?" nauutal ako dahil totoo naman iyong sinabi niya, biglang nawala sa isip ko ng makita ko ang ganitong scenario dito.

Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang kabuuan ni Tryton, he wearing the tuxedo na sinuot niya noong acquaintance party namin.

"Anong meron? May party ba?" tanong ko sakaniya pero hindi ito sumangot lumapit pa ito ng lumapit saakin. Isang hakbang nalang talaga ay magdidikit na ang katawan namin. Tumigil ito sa paghakbang, bigla itong yumuko at hinalikan ang noo ko, napapikit ako sa ginawa niyang iyon. Naramdaman kong mas bumaba pa ang yumuko nito kaya napamulat ako. Nagulat ako ng bigla niyang titigan ang mga labi ko kaya napalunok ako ng sunod sunod.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now