CHAPTER THIRTY ONE

545 33 2
                                    

[31]
Maeve's Point of View

PAGMULAT NG mga mata ko ay naging blurred ang paningin ko. Pulos ilaw ang nakikita ko at iba-ibang boses ang naririnig ko.

"Nasa langit na ba ko?" tanong ko sa isip ko.

Gusto kong gumalaw pero parang namamanhid pa ang buong katawan ko.

"Anong nangyare, nasaan ba ako?"

Habang blurred ang paningin ko ay may kung sino ang dumungaw sa itsura ko pero hindi ko maaninang kung sino iyon. Kung anu-anong bagay ang naririnig ko dito sa loob na kahit maging ang boses at ang mga ingay ko ay hindi rin klaro.

Iinaalisa ang mga nangyayare, bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga nangyare. Hindi klaro pero ang alam ko nasa panganib kaming dalawa ni Tryton.

Pero teka, nasaan si Tryton?!

Pinilit ko ang sarili kong tumayo, naramdaman kong may humawak sa braso ko at inalalaayan akong makaupo. Dahan-dahang bumalik ang paglinaw ng mata ko kaya naman bumungad sa 'kin si Ate Megan na umaalalay sa 'kin at sina Ynnah, Zyrine, at Kuya naman ay agad na nagsilapitan sa 'kin ng makita nilang napa-upo ako.

"Maeve, thanks God. It's good that you woke up and your body responded."

"Maeve, kamusta? Anong masakit sayo?"

"Zyrine, tumawag ka ng doctor."

Lahat sila na naandito sa loob ay nataranta. Lalo na nang biglang sumama ang mukha ko dahil naramdam ko ang sakit ng likod ko malapit sa may batok at ang kanang kamay ko naman ay kumikirot.

"Aray." ungot ko ng maramdam ko ang matinding sakit.

"Gosh, 'wag ka masyadong gumalaw. Teka lang, tumawag pa si Zyrine ng Doctor!" boses iyon ni Ynnah.

Lumapit sa 'kin si Kuya at bakas sa mukha niya ang matinding pag aalala.

"Dapat hindi mo pinilit ang sarili mong umupo, Maeve. Hinga kana ulit, you need to rest."

Hindi ko ito pinakinggan dahil biglang mag sink in sa 'kin ang mga nangyare, isa-isang pumatak ang luha sa mga mata ko saka bumaling ng tingin sakanilang tatlo na nandito sa loob. Kahit masakit ang kamay ko pinilit ko iyong inihawak sa kamay ni Kuya.

"Nasaan si Tryton?"

Sandali silang natigilan at nagkatinginan, saglit lang iyon pero ramdam koa sakanila amg tensyon.

"You need to rest now, Maeve." pag aalo sa 'kin ni Kuya.

"No! Answer my question, where's Tryton?! Is he okay?" nataranta ako bigla.

"Maeve, I said.."

Hindi natuloy ni Kuya ang sasabihin niya ng bigla ko iyong pinutol.

"Gusto ko siyang makita, Kuya Kendrick!" napahagulhol ako bigla, "Dalhin n'yo ko sakaniya!"

"Maeve, hindi kapa maaring lumabas dito, magpahinga.."

"I said, dalhin n'yo ko kay Tryton! Kung ayaw n'yo ako ang lalabas mag isa dito!"

Isa-isa kong tinanggal ang mga nakalagay sa buong katawasan ko. Kahit hirap tumayo at gumalaw ay pinilit ko pa rin ang katawan ko pero bigo akong magawa ang gusto kong mangyare. Hindi pa man ako nakatayo ay dumating na si Zyrine kasama ang isang nurse at isang doctor. May kung anong nilagay sa dextrose ko kaya naman agad akong mas nanlabot at tuluyang nawalan ng malay.

Kahit tulog ang katawan ko, gising ang diwa ko. Lahat ng usapan nila ay naririnig mg tainga ko.

Naramdaman kong may lumapit sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Sa laki ng kamay niyang iyon, alam ko na agad na si Kuya Kendrick ang isang iyon, hinaplos-haplos niya ang palad ko saka ito nag salita.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now