CHAPTER SIXTEEN

970 111 57
                                    

[16]
Maeve's Point of View

HANGGANG NGAYON naguguluhan ako sa mga nangyayare.

"Bakit hindi mo ako sinabihan na ikaw pala ang susundo sa 'min, Kuya?" panguna kong tanong kay Kuya ng makapasok ako sa kotse.

"Biglaan lang din kasi, dadalhin ko kasi asi Ynnah sa shop." tumatawa nitong pinitik ang noo ko, hindi naman masyadong masakit pero ramdam ko ang kuko nito kaya napapikit na lang ako. "Beside, hindi kita susunduin for nothing, Maeve!" anito, pinagtaas ko lang siya ng kilay at hindi na umimik pa.

Nagsimula nang paandarin ni Kuya ang sasakyan, at dahil sa pagod ay hindi ko na namalayan ang sarili ko n nakatulog sa biyahe. Tulog ang katawa ko pero parang gising ang diwa ko, naririnig kong nag uusap sina Kuya at Ynnah kaso hindi ko maintindihan kung ano ang pinag uusapan nila.

Nagising ako ng makarating na kami ng bahay, akala ko something might happen dahil masyadong weirdo ang kilos ni Ynnah at Kuya pero mukhang nag assume lang ako.

Bumaba ako ng sasakyan samantalang si Ynnah ay kumaway na lang sa 'kin dahil dadaan sila sa shop ni Kuya dahil may ipapagawa si Kuya kay Ynnah, iyon ang sa pag kakaalam ko saka niya ihahatid.

Papasok na akong gate ng biglang may bumusina na sasakyan sa harap ng bahay. Agad akong bumalik nang tingin. Napataas ang kaliwang kilay ko nang makita ko kong kaninong sasakyan iyon. Pinahinto niya ang sasakyan sa kabilang bahagi ng kalsada at mukha doon pumarada. Bumama siya ng sasakyan at deretso siya sa pwesto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" medyo may taas sa tono ng pananalita ko.

"Kendrick sent me a message." napataas ang kaliwang kilay ko, kakaalis lang naman ni Kuya imposible naman 'yon.

"So?" inis na anas ko.

"Tita Mau and Tito Ken is on business trip with my parents, out of town daw. And gusto ng Kuya mo nasamahan kita dito in 3 days." nangunot bigla ang noo sa sinabing iyon ni Tryton.

"Ano?! Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Kuya?"

Hindi nakasagot si Tryton. Napabuntong-hininga ako bigla, sinundo na niya ako kanina tapos hindi man lang ako sinabihan na may ganitong setup. Fucking shit!

"Don't tell me pati si Kuya, hindi uuwi sa 3 days na 'yon?!" naiinis na pangungumpirma ko. Hindi sumagot si Tryton at marahan lang ito tumango habang nakatingin sa 'kin.

Lalong nagkasalubong ang kilay ko dahil halatang na nanadiya sila. Talaga okay lang sakanila na si Tryton na makasama ko sa iisang bahay? Like wtf. Hindi talaga sila tututol?

Damn, syempre fiancé ko si Tryton.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at pilit na tinatawagan sina daddy at mommy pero hindi ko sila macontact. Si Kuya ay ganon rin, patay ang phone at mukhang sinadya niyang hindi sabihin sa 'kin. I tried to reach out Ynnah pero maging siya ay hindi sumasagot.

"Hell no!" sinimangutan ko si Tryton, "Go home. I can manage, alone."

Napabuntong hininga si Tryton, "No. I grabbed this opportunity to spend more time with you, Maeve."

Natigilan ako sa sinabi iyon ni Tryton, pakiramdam ko may kung anong kumiliti sa sistema ko sa mga sandaling iyon.

"Bakit?" naiilang na tanong ko. Hindi ko alam kung tama bang tanungin ko siya ng bakit pero wala na, nasabi ko na.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now