CHAPTER SIX

1.3K 140 30
                                    

Maeve's Point of View

ILANG ARAW na ang nakalipas, tatlong araw na lang ay acquaintance party na namin. Pero kahit gano'n ay wala man lang nag papahiwatig sa 'kin. Maging si Tryton ay hindi rin, pakiramdam ko tuloy ngayon ay isinumpa akong hindi mararanasan ng gano'n pagkakataon.

Napatingala ako sa kalangitan habang naglalakad ako papunta sa may quadrangle.

"Maeve." napahinto ako sa paglalakad at nagbaba ng tingin sa tumawag sa 'kin pero gano'n na lang ako gulat ko ng magtapat ang mukha namin.

"What the heck!" bigla ko itong naitulak.

"Wow?" peke itong tumawa. "Ikaw nga 'tong hindi nakatingin sa dinadaanan mo."

"Eh 'di ikaw na ang hindi, tapos hindi ka umiwas. Tanga!" inis ko itong tinalikuran.

"Wait lang, Maeve. May sasabihin sana ako." bigla niyang hinila ang kamay ko. "Can you..." hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Maeve." pareho kaming napalingon ni Tryton sa pinanggagalingan ng boses, kagaya ng inaasahan ko kay Drake ang boses na iyon.

"Hi, bro." bati ni Drake, agad niyang napansin ang kamay ni Tryton na nasa kamay ko.

Napatingin ako kay Tryton at nakatuon siya ng tingin kay Drake, base sa mukha niya ay parang nadidismaya at ayaw niyang makita ang pag mumukha ni Drake.

"Pwede ko ba munang mahiram si Maeve, kahit sandali lang?" humihingi nang pahintulot si Drake kay Tryton.

"She's all yours! I'll go ahead." anito sabay talikod saming dalawa ni Drake.

"Problema no'n?!" nainis ako sa inasal niya, ganon na lang ba niya ako kadaling ipamigay!?

Kung sabagay!

"Ehem" natigilan ako nang bigla niyang tinapik ang noo ko. "Ang aga-aga nakasampok dalawa mong kilay."

Napaangat ako ng tingin sa sakaniya, gusto ko siyang sisihin dahil kasalanan niya lahat iyon kaso biglang umurong ang dila ko dahil sa pagkakangiti niya sa akin. Napalunok ako ng tumitig siya sa mata ko, pakiramdam ko manilulusaw niya ako sa tingin niya iyon kaya naman agad akong umiwas.

"Napaka-awkward." nasabi ko saka ako napapay-pay ng kamay.

"Oh, I'm sorry." anito at agad naman siyang tumingin sa 'kin ng maayos.

"Pwede ba tayong mag usap habang naglalakad? Pupunta pa kasi ako ng locker namin kukuha ng P.E uniform, if okay lang?" tanong ko, hindi ito sumagot sa halip ay tumango lang.

Medyo nakaramdam ako ng awkward nang maramdaman kong pinagtitinginan kami ng mga estudyante.

"So.. To make it quick.. Tatanong ko lang naman sana kung aattend ka ng acquaintance party?" napakamot ito sakaniyang batok.

"Yes, of course I am." tipid kong sagot.

"Ano kasi. May date kana ba?" napahinto ako sa paglalakad nang bigla niyang itanong iyon. Napayuko ako at napakagat labi dahil pakiramdam ko yayayain niya ako.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now