CHAPTER FIFTEEN

1K 105 74
                                    

[15]
Maeve's Point of View

NAKATAYO AKO ngayon sa may pader malapit sa pintuan. Wala akong ginawa kung hindi magkutkot ng kuko at tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin na nasa harapan ko. Ngayon kasi pupunta ng bahay si Tryton dahil mag aaral kami nang sabay, hindi ko alam kung anong paliwanag ang gagawin ko sa pamilya ko lalo na ngayon baka kung anong isipin nila. Langya kasing Ynnah 'yan eh. Pahamak!

Agad akong bumaba ng kusina upang sabihan si Manang na may bisita akong darating, labag man sa loob ko sinabi ko sakaniya ang totoo kung sino iyon.

"Manang, paki handaan ako ng meryenda mamaya. Pupunta kasi dito iyong fiancé ko." walang ganang sabi ko sabay talikod. Hindi ko alam kung anong reaksyon nito sa sinabi alam kong magtataka iyon pero wala na akong paki, ito na eh. Ano pa bang magagawa ko? Bumalik ako sa kwarto, saktong pagtapak ko ng pintuan ay biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa vanity table. Agad ko iyong kinuha ng makita kong unknown ang tumatawag.

"Hello, sino 'to?"

"On the way na ko."

"Hi, on the way na ko. Ganda ng name mo ah. Tsh! Sino ka nga!?"

"Your fiancé, of course. Ynnah gave me your new number. I'm driving. I'll be there in a minutes, see you."

Shit!

Alam ko naman siya iyon pero bwesit talaga si Ynnah dahil ang dami na niyang atraso sa 'kin, pinamigay niya number ko ng walang sabi?Naibato ang cellphone ko sa kama at nagmadaling pumasok sa banyo, ilang minuto lang akong naligo bago magbihis, nag suot lang ako ng terno: plain sando at ruffled short. Mukha akong natutulog pero wala akong pakialam. Alangan namang magbihis ako ng sobrang ayos, samantalang nasa bahay lang naman ako.

Bago bumaba ay nag spray muna ako ng perfume na gustong gusto ni Tryton noon, boomshell ng Victoria Secret. Matapos kong mag ayos ay muli akong dumeretso sa baba, naabutan ko si Kuya na kasalukuyang naka upo sa couch sa salas habamg umiinom ng kape.

"Good morning." bati nito sa 'kin, bumaling ako ng tingin sakaniya.

"Morning," sabay talikod ko at dumeretso sa may gate. Nakita ko si toffy na kasalukuyang nakahiga sa damuhan. Tinawag ko iyon at agad itong lumapit sa 'kin. Saglit ko itong nilaro bago may mag doorbell, napatayo ako bigla. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang lumapit sa may gate, nanginginig ang kamay kong binuksan at gate. Napalunok ako ng makita si Tryton na nakatayo, nakasuot ito ng plain white polo shirt, plain black short at sneakers.

"Hmm." natanggal ang pagkakatitig ko sakaniya ng mabigla itong humakbang papalapit sa 'kin. Napaatras ako kaya naman muntik na akong ma out of balance, nasalo ni Tryton ang likod ko kaya naman nagkadikit na ang mga katawan namin. Ang awkward ng posisyon namin kaya naman agad ko itong itinulak.

"Ano kasi, hmm. Salamat!" nauutal na sabi ko, medyo nakaramdam kasi ako bigla ng hiya. Ngumiti ito sa 'kin, napaiwas ako ng tingin dahil iba ang dulot sa 'kin ng ngiti niyang iyon.

"Come in," iyon na lang ang nasabi ko kaya pumasok na ito, hinintay niya ako sa may gilid na matapos magsarado ng gate.

Sabay kaming naglakad papasok ng bahay. Gaya ng inaasahan, nagulat si Kuya ng makita niyang naandito si Tryton. Nanliit ang mata nitong tumingin sa 'kin habang ngumingisi pero agad ko iyong pinutol.

"Tigilan mo 'yang iniisip mo kuya, nagkakamali ka ng iniisip sa 'ming dalawa!" matalim ko itong tinignan, ngumisi lang ito lalo at saka lumapit sa pwesto namin.

"Kaya naman pala nag nagmake up ang isang 'yan dahil darating ka bro, how's sweet!" sumama ang mukha ko sa sinabi ni Kuya.

"Ang kapal ng mukha mo, Kuya! Hindi ako nag make up 'no. Bida-bida ka?!" inirapan ko silang pareho ni Tryton, napangiti kasi ito dahil sa naging reaksyon ko. "Tsh, what ever!"

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now