CHAPTER ONE

6.3K 255 238
                                    

[01]
Maeve's Point of View

BAGONG BUKAS ang klase kaya naman punong puno ang gymnasium ng mga estudyante. Bagot na bagot ako habang nakikinig sa mga pinagsasabi ni Dean Monreal sa opening remarks. At kagaya ng dati, isa-isang ipinakilala ng emcee ang mga lecturer sa kada antas ng taon at asignatura. Syempre, as I expected new environment nanaman dahil kami ang pioneer ng Kto12. Pinalabas sa screen ang bagong building para sa mga Senior Highschool students. Malapit lang ang bagong gawang building dito sa gym pero may kataasan iyon dahil sa mga strand na meron sa paaralang ito.

Malawak at malaki pa espasyo dito sa loob ng campus, lalo iyong field sa likod. Kaya naman medyo maraming estudyante ang nag aaral dito dahil sa ganda ng pamantay dito.

Dito ako nag aral simula noong ako ay nasa grade nine. Marami akong naging kaibigan pero dalawa lamang ang naging best of friends ko. Dalawa nga pero ni-isa sa mga iyon ay hindi ko kasama ngayon dahil naabutan si Zyrine ng traffic sa Ortigas Avenue sa mantalang si Ynnah naman ay na huling gumising. Sa aming tatlong magkakaibigan ako talaga ang laging early bird kahit madalas tamad akong gumising sa gumaga but still kung tad ako, mas tamad sila sa'kin.

Dahil sa kawalang makausap at magawa ay inilibot ko ang mga mata ko sa buong gymnasium. Sobrang daming estudyante, at almost ay ka-edad at ka-batch ko lang ata ang karamihan.

Inaanunsyo na nang emcee ang mga pangalan ng mga estudyante para sa sectioning nang biglang bumungad sa 'kin ang dalawa. Nauna dating si Zyrine, na nakawagwag ang dark brown niyang buhok. Bagay na bagay ang uniform namin sakaniya. Kung maganda at hapit ang matawan ko, mas hapit iyong sakaniya. Dark blue vest with tiny dark blue ribbon na nakasuot sa collar ng blouse. One white blouse inside at pinatungan pa ng v-collar sleeve sa loob. May guhit na itim ang collar ng v-neck kaya naman parang pang korean ang datingan. May logo ng school sa may left side ng vest at syempre hindi mawawala ang light blue striped na woolen short skirt kaya nga lumantad ang kinis na balat nito. Although pareho lang kami, ang pinagkaiba lang talaga iyong mas slim siya sakin. Sinalubong ko lang ito ng ngiti kaya naman agad ako nitong niyakap.

"Wala pa rin ba si Ynnah?" hindi ako nakasagot agad dahil luming-linga ito sa kung saan bago muling bumaling ng tingin sa akin.

"Mygod, Maeve. Namiss kita!" nangangaliw na anito.

Napangiti ako dahil sa totoo lang na miss ko talaga sila dahil hindi kami nag kita-kita in the whole summer. Sina Zyrine nasa Japan, ako nasa State. Samantalang si Ynnah, siya ang naiwan dito sa Pilipinas.

"Hindi kita namiss!" pang-aasar ko sakaniya. "Beside, si Ynnah lang talaga 'yung na miss ko." inirapan ko ito at saka ako napangiti dahil alam kong sasama ang timpla ng mukha nito.

"What ever, Maeve!" umirap siya sa akin at saka umupo siya sa tabi ko at makinig nalang kami sa pag-announce ng sectioning.

Tinawag na ang name ko, usual star section nanaman. Tumayo na ko sa kinauupuan ko at saka ako humanay sa mga estudyanteng makakasama ko. Mga ilang name pa ang tinawag ng biglang marinig ko ang pangalan ni Ynnah na tinawag. Napalinga-linga ako dahil nagtataka ako, bakit hanggang ngayon wala pa rin ito.

Maya-maya pa ay biglang sumenyas si Zyrine, natawa lang ako dahil panigurado kinakabahan na ito lalo na't last two names nalang pero hindi pa natatawag ang name niya. Ramdam ko sa mukha niya ang kaba at napawi lang iyon nang bigla nang tawagin ang pangalan nito. Walang alinlangan tumakbo ito sa gawi ko.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now