CHAPTER THIRTY FOUR

659 25 18
                                    

[34]
Maeve's Point of View

SA MGA salitang binitawan ni Mommy, halos madurog ang puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang naninikip iyon at hirap na hirap akong intindihin ang mga sinabi ni Mommy.

"Bawiin mo yung sinabi mo, mom. I know you're kidding me, right?! Tell me!" agad na tumaas ang boses, hindi ito sumagot nanatili itong nakatalikod saakin at rinig ko ang pag hagulhol nito.

"No! Where is he!? Gusto ko siyang makita, mom!"

Tanging sigaw ko ang umalingawngaw sa buong silid. Isa-isa kong tinanggal ang mga nakasaksak sa katawan ko, hindi ako pinigilan ni mommy sa ginawa ko. Alam kong alam niya ang nararamdaman ko kaya nanatili siyang himihikbi.

Kinuha ko ang maliit na bag sa may table, hindi ko na inintindi kung kanino iyon, ang tanging inisip ko nalang ay gusto kong puntahan si Tryton.

"Nasan si Tryton!?" tanong na sigaw ko rito habang hawak ko ang doorknob nitong pintuan.

"He's on Manila Memorial Park." hikbi na sagot ni mommy.

Hindi na ako sumagot, nanginging kong binuksan ang pintuan saka ko tuluyang lumabas ng pintuan upang puntahan kung nasaan si Tryton. Narinig ko ang boses nila Ynnah at Zyrine kasama ang nurse kaya agad akong nagtago sa may bukas na pinto. Nang makalagpas sila saakin ay dali-dali akong tumakbo papalabas ng hospital at nag abang ng taxi, wala akong pakialam kung anong itsura ko ngayon dahil pansin ko ang atensyon ng mga tao ay na sa akin.

Nang makapara ako ng taxi ay dali-dali kong binuksan ang pintuan nito.

Napatitig muna saakin si Kuyang Driver dahil sa itsura ko pero tinignan ko lang ito ng magkasalubong na kilay.

"Sa Manila Memorial Park! Paki bilisan, Manong!" nanginginig na sabi ko dito.

Walang alinglangan na agad nitong naandar ang sasakyan. Nanatili akong nakatitig sa labas ng bintana. Isa-isang pumatak ang luha ko dahil naalala ko muli ang sinabi ng aking ina. Ayaw mag sink-in sa utak ko ang mga nangyare, ayaw paniwalaan ng puso ko. Sobrang nanglulumo ako, I can't even express how much I hurt, kulang ang luha na pumapatak na 'to.

Napahawak ako sa aking bibig dahil napahikbi na ako sa kakaiyak. Isa-isa kasing nag sink-in sa isip ko ang mga gabing nangyare saamin yung aksidente.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa biyahe sa sobrang iyak. Nagising na lang ako ng biglang nagsalita si Manong Driver.

"Ah Ma'am. Naandito na po tayo," aniya dahilan para magising ako.

Hindi agad ako nakapag salita, napalunok akong nilingon ang Memorial Park. Bago muling bumalingin ng tingin sa metros ng taxi. Napasulyap agad ako sa hawak kong bag, kung kanino man ito ay sana may pera iyon. Dali-dali ko iyong binuksan at bumungad naman sakin na bag iyon ni Zyrine. Laman ng bag nya ay tanging pulbos, wallet at cellphone. Kinuha ko agad ang wallet niyon at kumuha ng pera. Mabuti na lamang ay may cash ito kaya naman nakabayad agad ako bago bumaba.

Halos manginig ang tuhod ko habang nakatingin sa entrada nitong Memorial Park. Para akong maluluwas sa lambot ng pakiramdam ko, animo ayaw ko pa rin paniwalaan ang mga sinasabi ni Mommy kaya gusto ko ng kompirmasyon.

Biglang nang gilid ang luha ko sa katotohanang baka wala na talaga siya o baka pinag titripan lang ako ni Mommy. Tirik na tirik ang araw sa mga oras nito, napasinghot muna ako ng hangin bago muling humakbang upang mag tanong sa taga pamahala dito kung mag tanong. Pero agad na napahinto ako sa sandaling makita ko sina Tita Yanara at Tito Augustine na lumabas galing sa may entrada.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now