CHAPTER TWENTY SIX

787 67 7
                                    

[26]
Maeve's Point of View

MADAMI ANG mga nangyare kahapon. Medyo pagod lang kami ngayon kaya naman anong oras na akong bumangon sa kinahihigaan ko. Dumeretso ako sa may sink bago nag hilamos ng mukha at nag toothbrush. Binuksan ko ang mini fridge malapit sa may hagdan at kumuha ng isang basong gatas.

Last day na namin dito sa boracay, mamaya ang uwi naming tanghali kaya naman pagkatapos kong uminom ng gatas ay agad na akong nag ayos ng mga gamit ko.

Habang nasa kalagitnaan ng pag lalagay ng gamit sa maleta ay biglang may nag kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Nagmadali akong tumayo ang buksan iyon, pagbukas ko ay agad na bumungad sa 'kin si Kuya.

"Can I come in?" nakangiting anito, tumango-tango lang ako.

Dumeretso si Kuya sa may sofa at saka binuksan ang TV, ako naman ay bumalik sa pag aayos ng gamit.

"So, where's ate Megan?" panimula ko ng usapan.

"Hmm. She's still sleeping but I already packed our luggage."

"Ay wow? Okay." nagpatuloy ako sa pag aayos.

Tinulungan ako nitong magtiklop ng mga damit ko, syempre nang matapos kami ay agad na niyang binalik sa luggage rock ang maleta ko.

"So.." napalingon ako bigla kay Kuya habang pababa siya ng hagdan.

"Any plan for tonight?" tanong niya, nangunot naman bigla ang noo ko.

"Huh, what do you mean? Anong meron?" naguguluhang tanong ko.

"Don't tell me, na nakalimutan mo?" nang-aasar na tumingin sa akin si Kuya kaya mas lalo akong naguluhan.

"Ang ano ba kasi 'yon!?" medyo may inis na sa tono ng pananalita ko.

"Maeve, you're so makakalimutin." humalakhak ito bigla.

"It's October 24 today.." dagdag pa niya pero 'di ko pa rin makuha kung anong ibig sabihin niya.

"Oh, ano naman kung 24 ngayon?!" padabog kong sinarado ang pintuan ng comfort room.

"What the heck, seriously Maeve, hindi mo alam?" naging sarkasmo bigla ang tingin sa 'kin ni Kuya. "It is Tryton's Day today, you're so humiliating."

Namilog ang bibig ko at halos malaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya.

"So, birthday pala ni Tryton ngayon? Ngayon na ba iyon, akala ko next month?"

Napapikit ako sa sobrang kahihiyan sa sinabi ni Kuya. Hindi ko akalaing mahalagang araw sa buhay ni Tryton ay makakalimutan ko. Gayumpaman, kasalanan parin ito ni Kuya dahil hindi niya sinabi kaagad.

Inis kong hinablot ang kwelyo ni Kuya. "You should have said immediately without teasing me, Kuya!" inis na singhal ko.

"Wow, Maeve.. dapat alam mo 'yang bagay na 'yan." mapaklang tumingin sa akin si Kuya. "You're the fiancé, commonsense." sa sinabing iyon ni Kuya ay pakiramdam ko tuloy wala akong kwentang fiancé. Marahan kong inalis ang kamay sa kwelyo nito at napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko.

"You must know everything about him, Maeve." malalim na bumuntong-hininga si Kuya. "Minsan masakit sa aming mga lalaki ang kalimutan ang mga bagay na importante sa 'min."

Sa sinabing yon ni Kuya ay para akong naging makahiya na bigla na lang tumiklop dahil totoo naman ang sinabi niya.

Nanatili lang akong tahimik at hindi na muling nagsalita pa.

Habang naghihintayan kaming dalawa ni Kuya kung sino ang babasag sa katahimikan naming pareho ay naunahan na iyon ng biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Excuse me." nahihiya akong tumalikod kay Kuya bago dumeretso sa may pintuan. Pagbukas ko ng pintuan ay doon bumungad sa akin si Ate Megan.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now