CHAPTER TWENTY ONE

899 91 21
                                    

[21]
Maeve's Point of View

HINDI KAMI natuloy sa pag punta ng photobooth nina Zyrine dahil sa sobrang nabadtrip si Ynnah sa ginawang pag-alis ni Tryton. Gustuhin ko man mag sabi sakaniya ang mga nangyayare ay hindi ko na nagawa. Kung malala ang amats ko, mas malakas ang amats niya sa mga ganiyang bagay. Baka nga maging spy o stalker kami kung sabihin ko pa ito sakaniya, ayaw ko naman ng ganoon.

"Anong klaseng boyfriend si Tryton, di ka man lang hinatid!" nangigilaiting anito.

Napabuntong-hininga lang ako.b"Okay lang, baka importante 'yon." pagsisinungaling ko at hindi na ito sumagot pa.

Habang naglalakad kami sa parking lot nitong PUP ay natanaw ko agad ang kotse ko at si Mang Tope. Nakaupo ito sa may bench nitong area. Nagtext na ako kayna daddy na hindi ako sasabay sakanila at mauuna akong umuwi dahil medyo pagod na talaga ako. Bago kami mag kaniya-kaniyang umuwi ay pinag-usapan muna namin kung anong oras ang game niya bukas, gusto niya kasing manood ako. Syempre, as a friend sinuportahan niya ko sa contest ko, susuportahan ko rin siya.

Pagkarating ko ng bahay ay agad akong naupo sa sofa at tinaas ang paa sa may glass table.

"I'm so tired." malalim akong humugot ng hininga.

"Oh... You're home!" salubong sa akin ni Kuya. "How's the competition?" pangangamusta nito, umayos ako ng pagkakaupo ko bago sumagot sakaniya.

"A little fun yet hard."

"Oh, I heard that you two are outstanding in acads, huh?" ngumisi ito. "Juice?" sabay alok niya saakin ng hawak niyang baso na may lamang juice.

"Thanks, Kuya." sabay kuha ko sa baso nito at tinungga ang pineapple juice. "We did are best, I guess? Saka wala pa ngang announcement kung sino ang winner."

"Hi everyone."

Nagulat ako nang biglang pumasok sina daddy.  Nagmadali akong ibaba ang juice na iniinom ko at tumakbo ako upang
yumakap sakanila. Hindi ko kasi na ipakita sakanila na namiss ko sila ng sobra dahil sobrang nahihiya ako dahil madaming tao sa conference room kanina. I'm not that kind of showy pag dating sa ganong bagay.

"I miss you!" bulong ko.

"Namiss namin kayo ng Kuya mo." malambig na saad ni daddy saka nito kiniliti ang baba ko.

"Nasurprise ka ba namin?" tanong ni mommy. "Iyong fiance at kuya mo ang promotor baby," ngumisi silang tatlo. "He's kinda sweet."

"Ha ha!" peke lang akong natawa. Hindi kasi nila alam kung anong meron sa 'min ni Tryton, ayaw ko pang aminin dahil gusto kong bumawi sa pag surprise nila sa 'kin.

Kaswal lang ang mga nangyare pang usapan naming pamilya, syempre ako ang laging kawawa sakanilang tatlo sa tuwing mapag uusapan nila si Tryton. Nagiging tiklop ako pag siya ang usapan, ayaw kong sumagot o ipagtanggol ang sarili ko dahil alam kong may pang banat sila sa akin.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil may tumawag sa cellphone ko.

📞 Ynnah's Calling. . .

Ynnah: Saan kana?

Me: Bahay pa. Kakagising ko lang.

Ynnah: Gaga, 8am ang unang laro ko. See yah, magtatampo pag 'di ka nanood!

Call ended. . .

Napatingin ako sa may wall clock, nanlaki ang mata ko ng makita kong its already six am in the morning. Nagmadali akong tumayo at naligo. Matagal pa naman akong kumilo, mabuti na lang ay hindi kami mag u-uniform ngayon, hindi nakapag plantsa si ate Megan.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang