CHAPTER FOUR

1.6K 163 43
                                    

[4]
Maeve's Point of View

NANG MAKARATING kami sa may building ng junior highschool nang nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"Ano bang problema mo!?" inis na singhal ko sakaniya.

Hindi pa man ito nakakasagot, agad na may sumulpot sa harap namin na ilang kababaihan.

"Hindi naman siya gano'ng kagandahan, 'no." natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ng isang babae saka sila nagtawanan. Napalingon ako sa gawi nila kaya naman napahinto sila sa pagtawa dahil ako ang tinutukoy nila. Sinikap kong pakalmahin ang sarili ko ng makita ang mga itsura nila, kung tutuusin ay parang tuhod ko lang ang mga mukha nila.

Napapikit ako ng ilang sigundo bago muling bumaling ng tingin sakanila at ngumiti ako. Pinilit kong maging mabait sa kabila ng panglalait nila sa 'kin pero isa-isa nila akong inirapan.

Napabuntong-hininga nalang ako. Sa buong school year ko sa school na to, ngayon lang ata ako may narining na masakit na salita, hindi ko alam kung dahil ba may gusto sila Tryton or trip lang nila ako.

"Mauna na ako sa room," iyon lang ang sinabi ko bago ko tuluyang iniwan si Tryton sa kinatatayuan niya.

Habang naglalakad ako papunta ng classroom ay bigla kong nakita sina Zyrine at Ynnah nakaupo sa may gazebo.

Naandito na pala itong dalawa na 'to?! Napakamot ako sa noo ko saka ako tumakbo papalapit sakanila. Napansin nila ang presensya ko kaya agad silang napatayo at kusang lumapit sakin.

"Ano ba 'yan, Maeve? Ikaw ang early bird parati, pero ikaw pa ang na-late ngayon sa usapan ha?" pabirong salubong sa 'kin ni Ynnah.

"Tse! Saan ba kasi kayo dumaan? Doon ko kasi kayo hinintay sa waiting area main entrance." sagot ko.

"Alam mo naman sa parking lot ang way ko, 'di ba?" sagot ni Zyrine.

Hindi na ako nakapag salita, sobra akong naiinis sa sarili ko dahil hindi ko man lang naisip na doon nga pala ang way nila. Kung alam ko lang, 'di na sana hindi ako maiinis ngayon umaga dahil sa ginawa ng Tryton na iyon.

"So, ano 'yong nakita mo sa condo?" panimulang tanong ni Ynnah kay Zyrine.

Agad akong napalingin ako sakanila, si Ynnah ay inosenteng tumingin sa 'kin samantalang si Zyrine naman ay parang hinihintay niya ang magiging reaksyon ko.

"Mygad, Ynnah. Syempre, check-in sila tapos mag jujug-jugan, you know. Couple now a days!" halata sa tono ang inis.

"Eh?" napakunot noo si Zyrine.

"So... sa palagay mo nakipag jug-jugan talaga si Tryton? Para ka namang tanga, Maeve." naging maasim din itsura ng mukha ni Ynnah.

"Ano bang malay ko? Baka nga 'yon pa ang rason kung bakit iniwanan niya ko noon eh!" nanlulumo ako sa sarili kong konklusyon.

"Wait, what!!?" halos umalingawngaw ang boses ng dalawa sa buong gazebo.

Maging ako ay napaiwas ng tingin dahil hindi na-ipreno ang saliri kong bibig. Gaya nang inaasahan ko ay walang minuto ang lumipas na hindi nag tanong ang dalawa. Sa kawalang choice ay kinukwento ko sa dalawa ang kwento namin ni Tryton. Hindi sila makapaniwala noong una pero naunawaan na nila kaya gano'n nalang ang galit ko sakaniya. Pero sa huli, hindi pa rin nila ako pinanigan dahil mali rin daw ako na hindi siya bigyan ng pagkakataon mag paliwanag.

Destiny of Ours: (Love Duology #1) ✔️Where stories live. Discover now