His Damsel And Distress

49 1 0
                                    




**************************


West Mitchell Collins




I'm trying to keep my focus on the road but the thought of Cecelia's image kept on playing back and forth in my head, it's making me smile like an idiot. Luckily, I can hide it from Thor. The reason why I keep my feelings to myself is because I can't explain them..





Matapos ang ilang oras na byahs patungo mula sa San Nicolas papunta sa Agoncillio, Batangas ay nakarating na rin kami ni Thor sa pupuntahan namin, pag dating namin sa tapat ng hotel ay aga daming sinalubong ng mga staff. Sila ang nag asikaso sa'min, gabi na rin kaya ang ibang nagta-trabaho dito ay nakauwi na upang makapag pahinga.





Ngayon, patungo na kami sa VVIP room. Doon kami tutuloy para hindi na namin kailangang mag hiwalay, sanay naman kaming matulog sa iisang kwarto. Minsan pa nga ginagawa naming unan ang isa't isa, lalo na kapag pare-parehas na kaming mga lasing at wala sa sarili.





May mga nakakasalubong kaming staff na nakaka kilala sa'kin kaya binabati nila ako, tipid na lang akong ngumingiti dahil ayoko rin namang maging bastos sa kanila. Pagod na rin ako dahil sa byahe kaya wala na akong ibang gustong gawin kung hindi ang mag pahinga, kinabukasan na kami mag sisimula sa misyon dahil sigurado akong hindi lalabas ang hinahanap namin ng ganitong oras.





Mas kaunti ang tao sa gabi, mahihirapan siyang mag tago...





Isa pa, walang mga guest ang gumagala dito sa hallway lalo na kapag ganitong oras. May posibilidad na nasa bar sila dahil iyon na lang ang bukas kapag malalim na ang gabi, nandoon ang mga sikat at kilalang businessmen at businesswomen para sandaling uminom habang nag u-usap-usap.





Kung hindi siya pupunta sa mataong lugar, mas madali siyang makikita at mapaghahalataan. Isang maling galaw niya lang ay maaari siyang mahuli, ang swerte niya kung kami ang mga taong makakakita sa kaniya dahil ibabalik lang namin siya sa kulungan samantalang kung hindi naman ay dapat na siyang mag hanap ng sampung Santo dahil malaki ang posibilidad na hindi na siya makakalabas ng buhay dito.





Pag dating namin sa loob ng hotel room, parehas kaming dumiretso sa sofa upang doon mag pahinga. Pagod na ako at ang buong katawan ko pero hindi pa rin siya mawala-wala sa isipan ko, kahit na anong ginagawa ko o kahit nasaan ako ay palagi ko na lang siyang naiisip.





Nagsi-sisi akong hindi ko siya kinausap ng matino, na pinakitaan ko siya ng hindi maganda, hinayaan kong si North ang mag mukhang bayani at nag hatid sa kaniya. Ako dapat iyon pero wala akong lakas ng loob, ako rin ang gumawa neto sa sarili ko kaya ngayon? Ako ang nagdurusa.





"Nagugutom ako, may bukas pa bang kainan dito?". Tanong ni Thor sa'kin habang nakahiga.




"Anong oras na?". Tanong ko rin sa kaniya pabalik.






"Ala una ng madaling araw, bakit?".





"Kung ang mga hayop nga kailangan ng pahinga, mga tao pa kayang nagta-trabaho dito?".






"Tangina ka, nag ta-tanong ako ng maayos eh!".





"Pang bobo yang tanong mo."





"Ang sama neto!".




"Ano ba gusto mong kainin?".





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon