Red Gardenia

43 1 0
                                    


A/N: Short chapter ahead, enjoy reading!!


**************************


Gabriella Cecelia Rios



Tulad nga nang napag-usapan namin ni AL ay hindi kami papasok sa school para makapag-pahinga, pumayag naman yung leader namin dahil ubos na rin ang tinda sa booth namin kahit unang araw pa lang. May ititinda daw ulit pero hindi na daw kami ang kailangang mag-bantay doon, may papalit na daw kaya maaari na kaming mag-pahinga.




Balak namin na mag-punta sa isang picnic spot, isang oras lang naman ang byahe papunta doon kaya nag-pasya kaming mag-tungo doon ngayon para naman maka-langhap kami ng sariwang hangin at para na rin makapag-relax kami ng maayos. Malayo sa gulo, malayo sa stress at higit sa lahat ay malayo sa sakit ng sampal ng katotohanan.





Late na kaming nagising ngayon, puyat na puyat din kase ako kagabi gawa nga nang nanatili ako sa opisina ni West hanggang alas-dos ng madaling araw kahit hanggang ala-una lang naman talaga ang schedule ko. Hindi naman ako nag-rereklamo, at least gumaan ang loob niya kahit papaano diba? Saka wala rin naman akong masyadong ginawa.





Niyakap, inalo, saka pinayuhan ko lang naman siya sa dapat niyang gawin tungkol sa dinaramdam niyang problema. Hindi siya yung tipo ng tao na kayang dalhin ang galit at sama ng loob, para siyang bomba na basta na lang sumasabog kapag biglang bumagsak sa lupa pero naiintindihan ko naman kung bakit siya nag-ka ganon eh.





Nag-aalala siya sa kay Psyche, baka daw kase ipakasal ang pinsan niya sa isang lalaki na masama ang ugali at hindi maganda ang family background. Hindi niya ipinaliwang yung tungkol sa 'background' na sinasabi niya pero hindi naman daw sila mahirap, mas mayaman pa daw sila kaysa sa inaakala ko.





Nagagalit siya sa sarili niya dahil wala daw siyang magawa para ipag-tanggol yung pinsan niya, siyempre normal lang na mag-alala siya kay Psyche dahil kahit naman sino ay mararamdaman ang nararamandan niya.





Sinubukan ko ang best ko para pakalmahin siya, nabubog pa nga ulit ako habang nag-pupulot ng mga maliit na piraso pero hindi ko na iyon ipinakita sa kaniya. Maliit lang naman yon, hindi ako mamamatay o mauubusan ng napakaraming dugo.





Ayoko na rin dagdagan ang pag-aalala niya, baka masiran na siya ng bait o kung ano na lang ang gawin niya sa sarili niya kapag nasobrahan siya sa pag-iisip.






Kasalukuyan akong nag-bi-bihis sa kwarto, tapos nang mag-ayos si AL dahil pinauna ko siya. Siya naman ang nasa kusina para ipag-patuloy yung niluluto kong mga pag-kain namin na dadalhin, sayang naman kase kung gagastos pa kami. Pwede naman kaming mag-dala na lang saka picnic yon, hindi restaurants o sinehan.




Mag-su-suot ako ng isang floral na short-sleeve mini sheath dress, medyo malamig sa pupuntahan namin pero hindi naman ako mamamatay dahil sa sobrang lamig saka wala na kase akong mahanap na ibang damit kaya eto na lamang ang pinili kong isuot.





Ipinahiram ko kay AL ang isang damit ko, nagustuhan niya kase ito saka gusto niya rin daw subukan na mag-suot ng mga bistida pero ayaw niya yung sobrang iksi kahit maganda naman ang binti niya. Ipinagamit ko sa kaniya ang kulay puti na maxi dress, magandang broderie anglaise embroidery ang technique na ginamit doon saka nag-mula ito sa ibang bansa.





Libo ang halaga nito, si ate Cornellia ang bumili nito para sa'kin gamit ang natitira niyang ipon na para sana sa kung ano man ang pinag-lalaanan niya don. Nagalit ako sa kaniya nung una kase nakita ko yung presyo pero tinawanan niya lang ako, napaka-kill joy ko daw talaga kahit kailan.




Finding my way back (KOV #4) Where stories live. Discover now