Us: The Beginning

45 2 0
                                    

A/N: If you had read UTTS (Under The Twilight Sky) nung time na nag-transfer si AL or si Lauren sa St. Valentine, that was another one week later. In short, dumating si Cece 2 weeks prior than her. Yon lang, happy reading!! <3

**************************

Gabriella Cecelia Rios

Natapos na ang pagiging estudyante ko sa San Teodore State University, marami akong masasayang alaala sa eskwelhan na ito pero minsan kailangan natin iwan ang mga iyon para sa mas magandang oportunidad at dahil nga natanggal ako sa St. Valentine? Doon na ako mag-sisimula ng panibagong taon ngayon. Labag man sa kalooban ko ang umalis sa Agoncillio pero iniisip ko na lang na para naman 'to sa pangarap ko, ganon naman talaga diba?



Kailangan nating mag-sakripisyo, kailangan natin maging matibay at kailangan natin maging malakas...



Sa huli, natanggap din si Gio at Aemie pero hindi nila ako masusundan dahil kapwa sila aalis na ng bansa. Sa susunod na linggo na ang flight nila patungo sa Massachusetts, United States. Natanggap din pala si Aemie sa Harvard University at nais ng mga magulang nila na doon na lamang sila mag-patuloy ng pag-aaral hanggang sa makatapos sila.




Nakapag-paalam naman na kami sa isa't isa bago ako nag-tungo dito sa San Nicolas, yung perang ginamit ko para makapasok dito ay nag-mula sa mga naipon ni ate Cornellia habang yung iba naman ay galing sa kinita ng karendirya. Ayoko pa nga sanang tanggapin dahil paano naman sila kung kukunin ko 'to diba?




They insisted that I should keep it and use it, dahil sa binigay nila? Nakabili na ako ng mga bagong gamit katulad ng bag, uniporme, sapatos at extrang school supplies. Dahil sobra-sobra ang binigay nila, naka hanap din ako ng murang dorm kung saan ako tutuloy pansamantala.




Kagabi lamang ako dumating dito, wala pa akong kakilala pero may mabait naman akong roommate kaya kahit papaano ay hindi ako nabuburyon mag-isa. May trabaho siya ngayong umaga kaya ako lamang ang maiiwan dito mag-isa sa kwarto, hindi rin naman ako tatambay dito dahil kailangan kong ipasa ang mga resume ko para sa bagong hotel na pinasukan ko.





Sabado pa lang naman ang araw ngayon pero may pasok na sa Lunes kaya hindi ako maaaring tumunganga at mag-hintay dito sa dorm na kusang darating ang trabaho sa palad ko, hindi naman ganon ang buhay. Nasa Diyos ang awa pero nasa tao ang gawa, kung hindi ako kikilos? Walang mang yayari at wala rin akong pang gastos.





Hindi naman ako padadalahan ni ate Cornellia ng pang gastos ko dito, ako ang mag-hahanap ng paraan para maka-kain saka para mayroon akong sarili kong allowance. Hindi naman malabo na wala akong ibang pag-gagastusan kaya kailangan ko pa rin talagang mag-trabaho kasabay ng pag-aaral ko.





Namimiss ko na rin si Tophen kahit halos isang araw pa lang akong nandito, nasanay kase ako na palagi ko siyang inaalagaan lalo na kapag wala akong ginagawa kaya medyo nahihirapan akong mag-adjust. Lalo na sa ganitong sitwasyon ko? Wala pa man din akong ibang kakilala dito.




Halos lahat ng kasama ko sa dorm ay may mga trabaho, ang iba naman sa kanila ay sadya talagang may pera at nag-mula sa mayamang pamilya kaya hindi na nila kailangang kumayod at mag-kanda-kuba kaka-trabaho.





Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ko ngayon, pupuntahan ko na kase yung bagong hotel na papasukan ko. Mag-papasa pa lang naman ako ng mga dokumento, hindi ibig sabihin non ay tanggap na agad ako. Mas maganda kung agad akong makakapag-simula para mas madali akong makakapag-adjust at masasanay.





Nang matapos akong mag-ayos, kinuha ko na ang gamit ko saka lumabas ako sa kwarto. Naabutan kong nag-uusap-usap ang ibang babae sa sala habang ang iba naman ay nag-luluto ng agahan nila, nang mapansin nila akong lumabas ay agad nila akong nginitian at isa-isang nilapitan.





Finding my way back (KOV #4) Where stories live. Discover now