Same Face, Different Personalities

103 2 0
                                    





**************************




Gabriella Cecelia Rios





Sobrang daming nag punta, halo halo rin ang mga tao dito kaya hindi maiiwasan ang kaunting hindi pag kakaintindihan. Nasampal na nga si Gio kanina dahil siya ang sumalo non para saakin, sinusubukan ko kaseng awatin yung dalawang fans na nag tatalo eh kaso lang mas malakas ang boses nila kaysa sa sarili kong boses.





Wala akong magawa kung hindi ang mapakamot at maka ramdam ng frustration habang pinapanood silang dalawa, naki sali na si Gio para matulungan ako pero sa huli mas lalo pang lumala.







Tama naman ang paliwanag ko, mali na sumingit yung dalagang babae sa babaeng tatlong buwang buntis. Umalis lang sandali yung asawa nung buntis para bumili ng maiinom kase medyo mainit pa rin kahit na mayroong mga tent dito sa paligid tapos eto namang babae na dalaga, mukhang senior high school ata siya ay sumingit. Siya pa tong nagalit at nag react ng todo kaya etong biktima, hindi na rin nakapag pigil.








Sasampalin sana nung dalaga yung buntis, una akong humarang tapos pipigilan ata sana ni Gio kaso sa kaniya naman tumama kaya hanggang ngayon? Namumula pa rin ang kanang pisngi niya. Nakaka ramdam tuloy ako ng labis na pagka guilty dahil trabaho kong pigilan sila, saakin dapat ang sampal na yon pero napunta sa kaniya. Tapos na ang event, gabi na kaya hindi ako makaka uwi saamin ngayong gabi. Hindi ko pa nasasabi kina ate Cornellia atsaka Candice, mamaya nalang siguro.







"Cece? Eto oh, para sayo yan atsaka meron na rin yang autograph ni Ms. Serenity! Good work!". Masayang sambit ng pinsan ni Gio. Inabot niya saakin ang isang paper bag, kinuha ko ito at bahagyang binuksan para makita ko kung ano ang nasa loob nito. Nandoon ang isang set ng libro na gusto kong bilihin kanina kaso biglang naubos, akala ko wala na pero hindi ako makapaniwala na meron pa pala.







"Lahat tayo nabigyan Cece kaya hindi mo kaylangang mahiya, hindi mo rin yan pwedeng ibalik kase nang galing yan kay Ms. Serenity. Libre naman yan, tingnan mo rin yung mismong loob kase baka invited ka sa party. Kami kase ni Gio kasama eh, bilang lang daw yon pero tingnan mo pa rin". Dagdag niya pang paalala saakin. Hindi naman masamang mag baka sakali kaya binuksan ko ng maayos para mas makita ko, mayroong letter doon at mukhang eto ang sinasabi ng pinsan ni Gio.









"Invited ka rin? Ayun! May kasama na ako". Masaya namang sabat ni Gio habang nag dadampi ng yelo sa pisngi niya. Mukhang hindi ito basta-bastang party, ano namang isusuot ko? Wala naman akong dala-dalang damit na pamalit o formal na gown. Siguro hindi nalang ako sasama, mag papahinga nalang ako sa Hotel room namin.









"Mag enjoy ka nalang doon Gio, wala akong extrang damit para sa mga ganitong okasyon pati alam mo namang hindi ako mahilig sa ganito diba?". Malumanay kong sagot sa kaniya. Sasagot sana si Gio sa sinabi ko kaso hindi niya naituloy, inabot ulit saakin ng pinsan niya ang isa pang paper bag pero ngayon damit naman ang nasa loob nito.








"Here! Problem solve so you're coming with us, para na rin may date si Gio. Siya lang kase yung walang girlfriend doon eh, don't worry about a thing dahil hindi naman kayo mag papanggap. Parang friendly date lang ganon, okay? Inilagay ko na yung sapatos sa kwarto para may partner yang damit". Isa pang paalala saakin ni ate Zoe. I smiled and accepted what she offered, hindi rin naman ako makakatanggi diba?








"Yon! The best ka talaga Zoe! Kaya ikaw pinaka paborito ko sa mga pinsan natin eh". Natutuwang sagot ni Gio. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti ng ganiyan noon, eto ang unang beses na sobrang lawak ng mga ngiti niya habang naka tingin saakin. Alam kong mali pero parang nakaramdam ako ng paru-paro sa sikmura ko, hindi ko naman gusto si Gio.








Finding my way back (KOV #4) Место, где живут истории. Откройте их для себя