Silent Nights

49 1 0
                                    






**************************


West Mitchell Collins




Matapos kong mahiga sa kama ko ay agad akong nakatulog dahil sa sobrang haba ng byahe, idagdag pa na pagod at puyat din ako. Kahit marami akong iniisip ngayon ay nagawa ko pa rin makatulog ng mahimbing, naalimpungatan lang ako dahil bigla nanamang nambulabog sina Jared saka North.





Tamang-tama naman dahil nagugutom na rin ako kaya ngayon ay kasalukuyan akong nandito sa sala habang nag-hihintay ng hapunan namin, nag-padeliver na lang kami dahil ganon din naman ang bayad kapag nag-patawag kami ng room service. Isa pa, wala kaming tiwala sa pag-kain dito. Kung hindi lang ako pagod at wala sa wisyo ay ako na akong ang mag-hahanda ng pag-kain namin eh.






Kasama ko pa rin sina Jared at North na kapwa nanonood din ng cartoons katulad ko, pare-parehas lang kaming tahimik dahil mas lalo kaming makakaramdam ng gutom kapag nag-ingay o kapag gumalaw pa kaming lahat. Maganda ang episode ng pinanood namin kaya hindi rin ako nag-sasalita.






Nang makalipas ang ilang minuto ay biglang tumunog ang telepono ko, pag-tingin ko ay nakita ko kaagad ang pangalan ni Cece kaya nag-madali akong lumayo sa mga kasama ko. Kabisado ko ang mga ugali ng mga 'to, mahilig silang maki-chismis at humanap ng balita kaya gagawin nila ang lahat para makuha ang nananahimik kong telepono.






Nag-tungo muna ako sa kwarto ko dahil mas ligtas doon at siguradong hindi sila makaka-sunod sa'kin kung naka-sarado lang ang pintuan ko, nilagayan ko rin ng isa pang lock ang pinto matapos kong pumasok sa loob para siguradong hindi talaga sila makakapang-istorbo kahit na ano'ng gawin nilang dalawa.







Agad kong tiningnan ang mensahe na ipinadala ni Cece para masagot ko iyon, nasa tamang pag-iisip na ako kaya maaari ko na siyang kausapin. Maalala ko lang na kailangan ko pang mag-paliwanag sa kaniya tungkol sa nang yari, totoo namang mayroon akong emergency meeting sa Villa Amore pero bigla namang tumawag si Trinity sa'kin.






Hindi lang ako ang nakatanggap ng ganon ay nananatili pa sana ako sa tabi ni Cece ng mas matagal, balak ko pa naman siyang ihatid patungo sa Airport dahil iyon ang pangako ko sa kaniya pero sa huli ay hindi mo rin naman natupad.







Binasa ko muna ang mga mensahe na ipinadala niya para sa'kin at tama nga ang nasa isip ko dahil nag-aalala siya, akala niya rin ay galit ako sa kaniya. Hindi ko alam kung papaano sisimulan ang mga gusto kong sabihin sa kaniya, nag-pasya na lang muna akong humingi ng tawad dahil hindi naman ako galit sa kaniya. Pagod lang talaga ako saka marami rin akong iniisip kaya wala ako sa wisyo kanina este kahapon pala.







Ako: I'm really sorry, Cece. I'm sorry for making you feel worried about me but I'm fine. You have nothing to be concerned about, and I'm not mad at you okay? I was just really tired yesterday.






Cece: Nag-aalala lang ako kase hindi mo ko tinagawan nung nakarating ka sa Villa Amore tapos hindi mo rin sinabi sa'kin na biglaan kang aalis, ano ba talagang nang yayari?







Ako: Something happened to Thorin and Eros. Their helicopter crashed somewhere in London and we're not sure if they are still alive and breathing or the other one.







I'm not lying to her, it's just that I didn't want to tell her that this while thing is just a part of our mission. She's still a civilian, she's not supposed to know about our tasks. I can't let her get involve in this matter because her life will be placed in danger and what kind of husband would put her wife in this horrible situation?






Finding my way back (KOV #4) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora