Prologue

410 4 0
                                    





***********************





Naniniwala ba kayo na bilog ang mundo? They say what comes around, goes around. Isa lang naman ang pangarap ko sa buhay at iyon ang maiahon sa kahirapan ang buong pamilya ko kaya kung ako ang tatanungin? Wala na akong oras para sa love life o boyfriend, paano? Sa pag aaral at pag tatrabaho palang ubos na oras ko kaya saang impeyerno pa ako hahanap ng panahon para ayusan ang sarili ko? Kaya nga rin 'manang' ang bansag saakin eh.








May isa pa akong nais at iyon ang maka pasok sa pinaka mahal na eskwelahan sa kabilang bayan namin, nakapag nagawa ko iyon at doon ako nakapag tapos ay mas malaki ang tyansa kong makapasok sa isang malaking airline company dito sa Pilipinas. Nag research ako ng kaunti tungkol sa pamilya nung may ari ng kumpanyang iyon, nag aaral sa St. Valentine ang dalawa nilang anak na kapwa business management ang kursong kinuha.








Gwapo yung sumunod sa panganay pero hindi ko siya type kase ayoko sa mga lalaking mayayaman at lumaki na mayroong gintong kutsara sa bibig pero pwede siguro pag pantasyahan or hangan kase multi talented din siya, kasali din siya sa isang banda sa ekswelahan nila at ang pangalan ng grupo nila ay 'Kings of Valentine' tapos meron tong apat na miyembro. Siya ang lider ng grupo, at sa totoo lang? Gwapo talaga silang lahat! Ang hirap mamili pero tulad nga ng sinabi ko, wala talaga akong balak na pumatol sa mga anak mayayaman.








Kasalanan sa pamilya namin ang bagay na yon, nangako ako kay mama na hindi ako susunod sa yapak nila ni ate Cornellia. Well kapag sinuwerte naman siguro ako sa trabaho ay magagawa ko silang mai–ahon sa hirap kahit hindi na ako pumatol sa mayaman, ayokong isipin ng buong barangay namin na katulad din ako ng pinag mulan ko. Kalat kase saamin ang tungkol sa bagay na yon, matagal ng nakaka lipas pero hindi pa rin nila nakakalimutan kaya pati ang tiyahin namin ay nahihiya sa tuwing magkaka sama kami.







Hindi ko naman siya masisi eh, nasasaktan din ako minsan sa tuwing naririnig ko yon dahil una sa lahat ay tungkol yon sa nanay ko tapos pangalawa? Pinag mumukha nila kaming mukhang mga pera o gold digger sa lenggwaheng ingles at pinaka malala na doon ang ipag kalat nilang anak kami ng isang Amerikano kase malandi ang nanay ko. Nag tataka din naman ako, mukha kaming may lahi kahit mga purong Pilipino lang naman kami.








Ayaw nalang naming patulan mag kakapatid dahil wala naman kaming mapapala sa kanilang lahat, pangalawa ako sa mag kakapatid at ako na ang sumalo ng responsibilidad ni ate Cornellia kase maaga siyang nagka anak. Hindi ko maintindihan pero totoo nga ang pamahiin ng mga matatanda na kung anong ginawa mo sa magulang mo noon, babalik din yon sayo pag dating ng panahon. Maagang pinag buntis ni mama si ate Cornellia kaya ayun, sinabi ko na kanina kung anong naging resulta ng pagiging pasaway nila.








May lahing Briton ang naka dali sa ate ko, hindi na namin mahanap kase naka balik na ata sa bansa nila tapos ni hindi man lang kinakausap o hinahanap yung kapatid ko atsaka yung anak niya. Sabi kase saakin netong kapatid kong mabait ay nag hiwalay daw sila bago niya nalaman na nag dadalang tao pala siya sa pamangkin kong lalaki pero ang orihinal niyang istorya ay ONS ang paliwanag niya saamin tapos hindi niya raw kilala ang ama, pangalawa naman niyang pag lilinaw na kilala niya pala pero hindi niya alam kung nasaan tapos sa pangatlo umamin din ng totoo.






Pinahirapan pa niya kami, aaminin niya din pala ang katotohanan. Wala naman na kaming nagawa matapos naming malaman dahil nakapanganak na siya nung mga panahon na yon, ewan ko ba sa kapatid kong to. Sabi niya hindi daw siya tutulad sa nanay namin, isa rin pala siyang ganon kaya damay na kaming dalawa ng bunso kong kapatid na si Candice.







Finding my way back (KOV #4) Where stories live. Discover now