Fragments

37 1 0
                                    


A/N: Hindi masyadong mahaba ang chapter na 'to, happy reading everyone!!


**************************


Gabriella Cecelia Rios



Matapos namin kumain, nag-pasya na akong mag-paalam kay West na mag-aayos na ko ng sarili dahil alam kong maya-maya ay aalis na rin kami ni West kasama ng mga kapatid ko. Papunta na ang mga kapatid ko dito, kasama daw nila si Tita Carmine dahil mahihirapan silang mag-byahe lalo na't mahilig nang tumakbo at mag-liwaliw si Tophen.





Nangangalay na nga daw si Ate Cornellia kapag nag-ha-hablan silang dalawa ng anak niya kaya biniro ko siya na tumatanda na siya kaya kailangan na niyang bumili ng tungkod, tinawanan niya lang naman ako tapos bigla niya rin akong inasar tungkol sa pag-kakaroon ng anak. Baka daw maunahan pa ako ni Candice, eh ang bata-bata pa ng bunsong kapatid namin eh!





Nagiging interesado naman si Candice sa lalaki pero sinabi niya sa'kin na hindi pa siya mag-aasawa o mag-kakaroon ng boyfriend sa ngayon dahil kuntento naman daw siya na nandito kami saka marami siyang ginagawa, mas mahalaga daw ang mga 'yon kaysa sa pakikipag-usap buong mag-damag tapos paulit-ulit lang naman daw ang topic.





Masyado naman talagang busy ang kapatid ko, dinaig niya na nga ako eh. Hindi ko naman siya masisi dahil nasanay din siya na puro aral lang ang inaatupag, hindi naman namin siya pinag-babawalang sumaya at mag-karoon ng nobyo pero siya naman 'tong tumatangi kaya ano'ng magagawa namin?





Kasalukuyan akong naliligo sa banyo ng kwarto ni West, nag-si-simula pa lang akong maligo dahil nakipag habulan pa ako kay West kanina. Bigla niya kaseng kinuha 'yung pamunas ko, ayaw niyang ibalik sa'kin tapos naki-sali pa ang mga pinsan niya kaya mas lalong tumagal.






Natutuwa pa akong mag-laro ng mga bula kaya sandali ko muna itong nilaro, maya-maya pa naman darating ang mga kapatid ko dahil kaka-alis pa lang pala nila sa bahay namin.





Akala ko naman ay kanina pa sila nasa byahe, medyo late na daw kase silang nagising dahil nag-topak si Tophen. Ayaw niyang matulog tapos tawag nang tawag sa papa niya kahit hindi niya naman kilala kung sino 'yon.





Hindi ko rin alam kung hanggang kailan balak ilihim ni ate Cornellia sa'min ang totoo, hindi pa rin naman ata bumabalik ang tunay na ama ni Tophen at sigurado akong hindi pa nito alam na mayroon silang anak. Ano kayang dahilan ng kapatid ko? Bakit ayaw niyang sabihin ang totoo?





May kaparatan silang dalawa sa bata, malabo namang pera ang problema dahil hindi naman gold digger ang kapatid ko. Medyo maharot lang siya saka mahilig sa party pero may tiwala ako sa kaniya na hinding-hindi siya tu-tulad sa iba na pera lang ang habol sa lalaki, sa lahat ng paalala ni mama? Iyan ang labis na dapat namin paka-ingatan at palaging alalahanin.





Kung ano man ang dahilan ng kapatid ko, nirerespeto ko 'yon kaya nananatili akong tahimik hanggang ngayon. Iniisip ko na lang na darating din naman ang panahon na makikilala ni Tophen ang tunay niyang ama, 'yon lang naman ang gusto ko para hindi na nakakaramdam ng inggit si Tophen sa ibang mga bata na nakakalaro niya.





Sawang-sawa na akong maging tampulan kami ng tukso tapos pati si mama na wala na dito ay dinadamay pa nila, hindi ba sila nahihiya o nakakaramdam ng konsensya?




Kapag may ginawa kang tama, hindi nila nakikita. Para silang mga bulag na basta ka na lang lalagpasan sa daan kase hindi ka naman nila nakita.




Finding my way back (KOV #4) Where stories live. Discover now