A Shoulder To Cry On

36 1 0
                                    



* 1 month later...


**************************



Gabriella Cecelia Rios




Araw ng Linggo ngayon, alas tres na ng hapon at kasalukuyan akong nasa Infinity Airlines dahil may training ako. Kasama ko si Zach ngayon at kapwa kami nakakaramdam ng kaba kahit ito na ang pangalawang linggo namin, hindi pa rin kase kami sanay kaya medyo kumakapa-kapa pa rin kaming dalawa sa mga nang yayari. Medyo nakakatakot din ang TL namin kaya kailangan namin mag-ingat.





Malapit na rin naman na kaming matapos, may kailangan na lang sabihin ang TL namin tapos maaari na rin kaming umuwi at mag-pahinga dahil may pasok pa kami kinabukasan sa school. Nag-papasalamat ako kay Zach dahil naka-hanap siya ng paraan para makapag-training kaming dalawa kahit na pumapasok pa lang kami bilang mga estudyante.





Hindi na ako nagulat nang malaman kong mag-kilala at malapit sa isa't-isa ang mga magulang niya pati na ng mga Alvarez, si Mr. Oliver Alvarez mismo ang tumulong sa'min kaya flexible lang ang training hours namin.





Hindi iyon makaka-sagabal sa pag-aaral o mga gawain namin, kikita rin kami ng pera dahil habang nag-te training kami ay makakasama na rin kami sa totoong Flight para manood at matuto. Maaari rin namin gamitin ang mga basics na natutunan namin para mag-asikaso ng mga passengers.






Marami na talagang naitulong si Zach sa'kin mula pa noong nag-kakilala kaming dalawa at nag-papasalamat talaga ako ng todo-todo sa kaniya pati na sa mga magulang niya na mababait naman pala, kung wala si Zach at ang mga magulang niya ay siguradong hindi ako makakapag-training o mag-kakaroon ng flexible na schedule.





Masaya ako dahil naging kaibigan ko si Zach, hindi dahil sa natutulungan niya ako o mayroon akong nakukuhang mga gusto ko mula sa kaniya. Kahit wala ang mga iyon ay magiging masaya pa rin ako dahil dumating ang isang katulad niya sa buhay ko.





Nalalapitan ko siya kapag mayroon akong problema at ang balikat niya ang nag-sisilbing sandalan ko sa mga panahong pakiramdam ko ay ako na lamang ang mag-isa sa mundo. Sa lahat ng taong kilala ko maliban kay Aemie, Gio, Lauren, mga Kutong Lupa, Ate Trinity, Ate Riane, Avi, Psyche, Kuya Reidly saka kay North ay si Zach lang ang hindi humusga sa'kin.





Ni minsan ay hindi niya ako nakita bilang isang mang gagamit kahit iyon ang tingin ng nakakarami sa'kin, iniisip ng ibang tao na ginagamit ko lang si Zach kase may koneksyon siya pati na ang mga magulang niya sa mga mayayamang pamilya katulad na lamang ng mga Alvarez na nag-ma may-ari ng Infinity Airlines.





Hindi ko naman pinapansin ang mga sinasabi ng ibang tao dahil mas kilala ko ang sarili ko, alam ko na wala akong ginagawang masama sa kapwa ko. Malinis ang konsensya ko at mas lalong alam ni Zach o ni West na hindi ako katulad ng ibang mga babae na mahilig mang gamit ng kapwa ko.





Sila na ang may problema kung ganon pa rin ang tingin nila sa'kin hanggang ngayon at ang hiling ko na lang para sa kanila ay sana maging masaya sila sa mga buhay nila kase 'yung mga taong mahilig mang husga at mag-kalat ng mga maling balita ay sila 'tong malungkot sa buhay nila.






"We'll have to dismissed early today because there's an emergency meeting for Training Leaders, I hoped you all understand. You may go ahead now and have a good rest for the rest of the day". Sambit ni Ms. Andrea.






Siya ang TL ng grupo namin, she's a strict type of leader but she's nice kung maayos mo naman ang ginagawa mo. Her real name is Andrea Lyn S. Ortuno, I admire her so much because she started from bottom and now? She's here. She's always stunning specially if she's wearing her uniform as a Chief Flight Attendant at Infinity Airlines.







Finding my way back (KOV #4) Where stories live. Discover now